Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




dakila ka aking ina

Ang "dakila ka aking ina" ay nailathala sa

DAKILA KA AKING INA
Bakit ba hanggang ngayo'y wala ka pa?
Sabi mo'y sandali lang, ngunit mag-iisang taon na;
Sa langit, panay nakatingala,
Nag-aabang at nakatunganga.

Hinahanap-hanap ko ang iyong pagkawala,
Lagi na lang tanong, kung saan ka nagpunta;
Hinahanap-hanap ang iyong kalinga,
Palaging nagmamaktol, kasi hindi ikaw kasama.

Sa pagtulog ko, halik na lang ni lola,
Ang nakapagpapatila, ng aking mga luha;
Sa tuwing mamasdan, larawan mo sa tuwina,
Katabi sa pagtulog, nasa ilalim ng punda.

Sa mga kalaro, ikaw ang aking bida,
Kahit na kasama nila, ang kanilang ina;
Maging sa eskwela, ay tinatanong ka,
Kung kailan magbabalik, kanilang amiga.

Dakila ka, Oh aking Ina,
Naiwan ako dito, iba ang iyong alaga;
Anuman sa iyo'y kanilang hinuhusga,
Dahil trabaho mo, sa kanila'y aba,
Medalya ko, pagdating mo, ay ibabandila.

-----------------------------------------
Mabuhay ka! Kabayan kong Filipina,
Sana sa tula kong ito, dagli kang guminhawa;
Nadarama ko, ang iyong pangungulila,
May awa ang Diyos, muli kayo'y magsasama-sama.


Basahin po ang iba pang Mga Kathang Nailathala


Share This Button

4 kumento:

sabi ni Bacolodtoto

Kiko, nakakalungkot at dapat mangyari pa na magkahiwalay sa buhay para magising ang puso. Sa Ingles nga ang sabi mas tumitibay ang puso dahil sa mga pagsubok. Ang magkahiwalay ng matagal ay pagsubok na hindi maiiwasan ng marami sa OFW. More power to you all!

sabi ni kiko

minsan sa buhay natin nalalaman natin kung gaano kahalaga ang isang tao kung mahiwalay tayo sa kanya… salamat toto, God Bless!

sabi ni Goddess of Convenience

Hi Kiko,

This "Dakila Ka Aking Ina" is truly an award-winning poem because the essence is the longing for the nearness and loving care of a faraway mother or father who's working in another land. However, there is always hope and expectation of being together with the whole family and enjoying the fruits of hard-earned labor.

Goddess of Convenience.

sabi ni square seven

super galing kabayan... napaiyak mo ko... keep it up and GB.

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.