Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




maling pagibig

maling pagibig aking naranasan
nang makilala ka at mahalin ng lubusan
wala akong magawa nang ikaw ay lumisan
patak ng luha ko'y hindi mapigilan

sa iyong pagkawala
ako'y nangungulila
sapagkat ikaw lamang
ang nakapag papaligaya

hindi ko maiwasang
bumuntong hininga
sa tuwing naaalala kita

pilit ko mang ikaw'y kalimutan
itago ko man ang iyong larawan
hindi ka maalis sa aking isipan
damdamin ko'y iyong pinarusahan

nais kong malaman mo, sa puso ko'y ikaw pa rin
kahit wala ka na'y patuloy na mamahalin
sumpaan nati'y hindi sisirain
kahit na ang hininga ko'y KANYA nang bawiin



Share This Button

3 kumento:

sabi ni babyluv

sa buhay minsan ako'y naguguluhan
maling pag-ibig ba'y dapat kalimutan
kahit sobrang dami ang pinagsamahan
dapat bang ito'y ating talikuran?

mata ay laging luhaan
puso ay parating sugatan
isip ay walang katahimikan
bakit ganito?buhay nga naman...


napakahusay talaga ng makatang kiko
nadadala tuloy ako sa ganda ng tula mo
nagiging madrama pati ang linya ko
tama na nga po at naiiyak na ako...hehehe

sabi ni Liberty Hipolito

maling pag-ibig na napasukan
siguradong masakit sa isipan
puso mo'y laging sugatan
mundo mo'y walang katahimikan...

tama na nga kuya fran
isa ka talagang huwaran
totoo ang mga tinuran
aking babalik-balikan...

sabi ni Anonymous

minsan lang nakasama
minsan lang nagkita
ngunit sa tuwing maalala
sa tuwina'y napapaligaya...

mga ala-ala na pinagsamahan
mga oras ng kalokohan
mga asarang walang hanggan
o kay sarap balik-balikan...


-iyahkew

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.