minsan sa dalampasigan
tayo ay naghahabulan
pagdapa sa buhanginan
kamay mo
ay aking hinawakan
upang ikaw ay alalayan
para maglakad sa may gilid ng pangpang
muli nating sariwain
ang ating pagmamahalan
kaysarap langhapin
amoy ng karagatan
habang mga kamay natin'y
ating idinuduyan
sabay aawitin
mga kantang nasa isipan
ating paglalambingan
aking sisimulan
at pagtakip silim
ikaw ay aking aayain
mauupo
sa patag na buhangin
isusulat ang mga katagang
ika'y Mahal sa akin
kamay'y hindi bibitiwan
bagkus pipisilin
at kung ang iyong mukha
ay ilapit sa akin
tamis ng halik mo
ay aking dadamhin
magpapaubaya
at hindi ka pipigilin
hanggang sa mahiga
sa tuyong buhangin
ating antayin
ang paglabas ng buwan
alapaap ay mamasdan
na tila walang pakialam
sa sandaling
mata nati'y nagkatitigan
lumapit ka,
ikaw'y aking bubulungan
sasabihin sa iyo
aking nararamdaman
ang kapiling ka ngayon
lubos na kaligayahan
ang mga susunod kong sasabihin
hindi na pwedeng sa tula ay banggitin
'pagkat ang makakabasa ay baka kiligin
halika at umakap sa akin...

tayo ay naghahabulan
pagdapa sa buhanginan
kamay mo
ay aking hinawakan
upang ikaw ay alalayan
para maglakad sa may gilid ng pangpang
muli nating sariwain
ang ating pagmamahalan
kaysarap langhapin
amoy ng karagatan
habang mga kamay natin'y
ating idinuduyan
sabay aawitin
mga kantang nasa isipan
ating paglalambingan
aking sisimulan
at pagtakip silim
ikaw ay aking aayain
mauupo
sa patag na buhangin
isusulat ang mga katagang
ika'y Mahal sa akin
kamay'y hindi bibitiwan
bagkus pipisilin
at kung ang iyong mukha
ay ilapit sa akin
tamis ng halik mo
ay aking dadamhin
magpapaubaya
at hindi ka pipigilin
hanggang sa mahiga
sa tuyong buhangin
ating antayin
ang paglabas ng buwan
alapaap ay mamasdan
na tila walang pakialam
sa sandaling
mata nati'y nagkatitigan
lumapit ka,
ikaw'y aking bubulungan
sasabihin sa iyo
aking nararamdaman
ang kapiling ka ngayon
lubos na kaligayahan
ang mga susunod kong sasabihin
hindi na pwedeng sa tula ay banggitin
'pagkat ang makakabasa ay baka kiligin
halika at umakap sa akin...

© January 2010 www.kwentonikiko.com





2 kumento:
Eh, kinilig naman ako... :)
asus may kilig factor eh… parang may naalala siya…
Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista
magliham sa akin dito