Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




bracelet

bracelet in jewelry box
Minsan sa iyong paghahalungkat
Nabuksan mo ang iyong jewelry box
Mayroon kang nakitang hindi inaasahan
Isang bracelet na kumikinang

Naitanong mo kung sa iyo nga ba ito
At naalala mong ito'y bigay ko sa iyo
Luha mo ay biglang pumatak
Pahirin mo man patungo sa pag-iyak

Tanong sa sarili bakit pa naghalungkat?
Ala-ala ng lumipas ay muling sumiwalat
Salamat at patuloy mong tinatago
Ang ala-alang hindi magbabago

Pilit mo mang ako'y kalimutan
Bracelet na ito'y dalhin sa sanglaan
Marka nito sa puso mo ay pangmatagalan
Maski sa panaginip ika'y susundan

Tanging ala-ala ko sa iyo
Na may kasamang pangako
Mula nuong tayo'y magkalayo
Puso ko'y 'di na tumibok pagkat nakatali na sa iyo

At kung sakaling ito'y iyong sunugin
O itapon sa malalim na bangin
Sa iyong pagtulog ika'y gigisingin
Na hindi mo ako kayang limutin

Kung plano mong sa akin ito'y ibalik
Katumbas nito'y isang paalam na halik
At kapag labi natin ay muling nagdikit
Baka ako nama'y akapin mo ng mahigpit

Ano nga ba ang dapat mong gawin?
Kahit na ito'y pag-pirapirasuhin
O kaya nama'y sa apoy ay tunawin
Dahil ang puso mo ay minsan kong naangkin

Hindi ko pinagsisihan na ika'y mahalin
'Pagkat noon, ako'y minahal mo rin
Pagibig sa puso mo na aking naitanim
Sa mga tula ko'y patuloy kong didiligin.

bracelet


Share This Button

0 kumento:

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.