Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




ikaw at ang pagibig mo

ikaw at ang pagibig mo

ngayong binabasa mo ito

naniniwala ako
na may pag-ibig pa ring nadarama
ang iyong puso

kahit na ikaw ay minsang nasaktan
at ito'y iyong nakalimutan

patuloy pa ring titibok ang puso mo
at nakahandang magmahal muli

hindi pa huli ang lahat
para sa pag-ibig mo

tanging may nakalaan dyan sa iyong puso
bumangon ka,
mga mata'y ikurap

may nagmamahal sa 'yo
nandyan lang sa tabi mo

sama ng loob ay ibalot sa panyo
hinanakit ay sa dagat ibato
buntong hininga kapag naaalala mo
dagling mawawala
giginhawa ang pakiramdam mo

bakit nga ba tayo kapag umibig ng todo
nakakalimutan kung sino talaga tayo
kahit na sila sa iyo ay magbago
dumaan ka man sa malakas na bagyo
hanggang sa dungisan ang iyong pagkatao

mananatili pa rin ang ikaw at ang pagibig mo

Share This Button

2 kumento:

sabi ni marie

maganda ang tula mong ito.
may kuneksyon sa nakaraan ko.
salamat at ito'y iyong sinulat.
inspirasyon ka talaga sa lahat.

(naks. isang stanza un. parang tula na rin. haha)

sabi ni kiko

salamat marie

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.