Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




balagtasan kasama si babyluv at jerwin

hango sa tulang Ka-IBIGan...
Apollon og Daphne
   nang masilayan ko
   ang iyong mga mata
   ako ay namangha
   tunay na nabigla

   sa tagal nang panahong
   hindi tayo nagkita
   ngayon ay lumabas
   ang tunay mong ganda

   kutis mo'y malasutla
   isang tunay na Filipina
   banayad ang timpla
   isa kang morena
   basahin nang buo

babyluv:
Sa iyong mga kataga
Kaibigang makata

Ang lalalim ng iyong
Ginamit na salita

Hindi kayang arukin
Kahit gaano kahaba

Isa kang henyo
Na aking tinitingala.

Minsan
Sa mga nagawa mong tula

Mistulang nagdaramdam
Sa mga talata

Iba nama'y
Masyadong humahanga

Ngayon nama'y
Mukhang maniningala.

Para sa akin
Masyadong mahiwaga

Pagkatao ng kuyang
Gumagawa ng akda

Malalim ang kanyang
Pinaghuhugutan ng diwa

Matalinghaga ang linya
Ng bawat salita.

kiko:
sa mga talatang
aking nabanggit

alam ko sa akin
ang iba ay may galit

dahil nasagi ko
ang kanilang langit

karanasan nilang
sinasabing pangit

ngunit ano
ang aking gagawin

kung sa isip ay sumingaw
ang mga tanawin

pilit ko mang
ito ay alisin

dadag dag ito
sa akin isipin

kaya
basura ng aking isipan

hayaan mong
ito ay lumisan

abangan mo
ang iba pang laman

magugulat ka
at hindi maiintindihan

jerwin:
Sa bawat bigkas
sa mga salita

may patamang hatid
sa pusong namangha

hindi man pansinin
ay 'wag damdamin

'pagkat katangiang angkin
sayo'y hahanapin

kung puso'y nasikil
ay wag pipigilin

hayaang lumabas
nakatagong lihim

pusong tumitibok
ay kusang aamin

paghangang angkin
t'yak bibigkasin

at agad sasabihin
sana ikaw ay akin

kiko:
aking kaibigan
ako'y natutuwa

sa aking tula
ika'y nagbigay diwa

sa mga nasambit mo
labis akong namangha

sa maiksing panahong
tayo'y nagkakilala

pagkatao ko'y
iyong nahinuha

isang pasasalamat
ang iyong tanggapin

mula sa akin
at ito'y sasabihin

ang ibang mga tula ko
ay iyong basahin

upang lalo kang
matuwa sa akin


Share This Button

1 kumento:

sabi ni Gracia Amor

Ang galing! pwede bang magpagawa ng lyrics? :)

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.