Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




isang huwaran

Francisco Balagtas
ako sa kanya'y lubos na nagpapasalamat
bagama't di ko pa naman alam ang lahat
kaalaman ko sa paglikha ay di pa sapat
subalit sa tingin niya ako ay nararapat.

nagsimula ang lahat sa isang samahan
napagkaisahan at ako ay napabilang
nauulanigan masasayang kwentuhan
kaya ng minsan sila ay napagbigyan.

cute_cupcake unang naging pangalan
'di naman sikat dahil 'di kagandahan
medyo tahimik dahil kinakabahan
kaya nung una nakikiramdam lamang.

unang pagdalo sa alkhor ay tanda ko
doon nakilala mga kabarangay dito
selebrasyon ng kaarawan ng isang tao
nagkasama-sama at nagkakilala dito.

aking napansin lahat ay welcome dito
masayang pagbati mula sa mga myembro
kahit hindi ka man nila gaanong kabisado
kapatid na turing ang siyang papakita sa'yo.

bago nagkita sa telepono nag-umpisa
ako'y sadyang tinawagan niya
at akala ko noon ay teen-ager pa
dahil boses niya'y mala anghel talaga.

makremang baka na inihanda niya
talaga namang makakalimot ka
akalain mong ako'y pinadalan pa
tuloy nakalimutan ko ang pagdedyeta.

sa balagtasan unang nagsimula
hindi ko nman din sinasadya
dahil 'di naman ako gumagawa ng tula
pero dahil sa taong ito ako ay nakalikha.

marami akong sa kanya ay natutunan
mga salitang ngayon ko lang nalaman
siya ang aking naging huwaran
sa paglikha ng tula bagyang nabihasa.

alam kong hindi ko siya mapapantayan
masaya na akong siya ay tularan
mga kaibigan...fRanCisM ang pangalan
kuya kiko ngayon sa bagong samahan!

Basahin po ang iba pang Mga Likha ni Babyluv
Share This Button

1 kumento:

sabi ni kiko

salamat na gawing huwaran, ito naman ang aking huwaran
ang gumawa ng ganitong kawikaan...

ang laki sa layaw, karaniwa'y hubad
sa bait at muni't sa hatol ay salat
masaklap na bunga ng maling paglingap
habag ng magulang sa irog na anak
- ang aking huwaran si Francisco Balagtas

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.