Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




kada-buwan ay pasko sa pamilya ng OFW

malayo pa ang pasko ngunit minabuti kong piliin ang ganitong pagtitipon na isa sa pinaghahandaan ng bawat OFW

alam naman nating lahat, na tuwing pasko ay nandiyan ang pagtitipon ng buong pamilya, bilang isang OFW isang karangalan ang mabigyan ng maihahain sa hapag kainan sa araw ng pasko ang aking may bahay, para ano pa at nandito ako sa ibang bayan kung hindi rin lang para sa kanila ang aking pinagpapagalan

hindi ko malilimutan ang araw na ito na nakatatak na sa aking puso, December 25, 2008, ito ang nakalagay sa tiket ko papuntang Doha Qatar, sakay ng Qatar Airways, umalis ang eroplano ng alas 4:30 ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport at lumapag sa Doha Airport 10:45 pm
click to enlarge passport

bago ako umalis ay kinantahan pa ako ng bunso kong anak na si Eirene (eyen) ng.. I'll be waiting for you... to love you more...

click here to view the lyrics

pasko na kasama ko ang aking pamilya sa mga lumipas na taon, ngayon kapiling ko si kiko at ang kanyang ballpen

mahirap para sa isang baguhang OFW na katulad ko, dahil kailangan kong labanan ang homesick, salamat na lang sa Smart Communication Inc. sa kanilang Smart Pinoy SIM para sa OFW na patuloy akong nakakatanggap ng mga text mula sa aking may bahay at sa Qtel na siya namang ginagamit kong pantawag sa kanila at pang text na rin

April 24, 2009
unang birthday ko dito sa Qatar, nakakatuwang makatanggap ng sulat mula sa iyong mga mahal sa buhay kahit na mayroon ng internet o mas kilala sa tawag na flair connection

basahin ang sulat ni Leny
basahin ang sulat ni Francis Conrad
basahin ang sulat ni Louise Faye

masarap ang pakiramdam kada buwan na nakakapagpadala ako ng higit pa sa kanilang pangangailangan

papa, parang pasko buwan buwan ah! sabi ng anak kong si Jose Daniel o mas kilala sa tawag na otew

ngunit kailangan kong labanan talaga ang homesick ko, kaya sumali ako sa mga forum, gaya ng Qatar Living at Barangay Buhay Qatar, dito ko nakilala sina R.S. Mallari, Nix Mandanas, Omar dela Cruz at Nep Paraiso, sila ang nanghikayat sa akin na gumawa ng blog upang lalo kong ipamalas ang aking talento sa paglikha ng mga tula at kwento

unang tula, Dakila ka Aking Ina, kwentula ng batang iniwan ng kanyang ina para magtrabaho bilang DH sa Hongkong, isang paglalarawan ng isang matibay na relasyon ng isang anak sa ina, una itong nailathala sa Tinig Pinay Newsletter sa Germany Philippinische Frauen-Gruppe e.V. at pinalad na ilathala ng GMANews.tv Pinoy Abroad Kwentong Kapuso at inulan ng mga luha at papuri

tuwang tuwa ang aking maybahay nang kanyang malaman, ganito kami kung mag-usap, mayroon akong account sa Chikka kung saan naka add ang mobile number niya sa akin pati na ang 3 kong malalaking anak, dahil limited ang text message sa chikka sa 3 sent sms, kaya sa mga anak ko naman ako nag se-send ng ibang message

sa gabi naman ay ginagamit namin ang Skype, mas malinaw ang skype sa macintosh computer at malinaw ko ring nakikita sila sa webcam

nagpapasalamat ako at binigyan ako ng pagkakataong maging moderator ng BBQ Writers Club na kung saan lalo akong naengganyong gumawa ng mga makabuluhang katha gaya na lang ng Buhay Probinsya, nakakatuwa sapagkat nagbunga ito ng mas malawak na kumunikasyon para sa aking mga kababayan sa Samar, nalaman ko na marami pala akong kamag anak sa Facebook mula sa iba't ibang sulok ng mundo at muling pinalad na ilathala sa GMANews.tv Pinoy Abroad Kwentong Kapuso

at tuwing sasapit ang BER—months sunod-sunod ang kaarawan ng aking mga anak unang una sa listahan ay si Pedro Angelo — September 2
basahin ang sulat ni Pedro Angelo

at dahil si Francis Conrad ay sa September 15, pinagsabay na lang ang bday celebration nila, tanging larawan na lang ng cake ang natanggap ko sa email...
Birthday cake of Francis & Pedro

next month naman ay birthday ni Jose Daniel — October 18
dahil busy kaya sa labas ang celebration
si otew at eyen

sunod na buwan si Louise Faye naman — November 21
at dahil maraming friendster ang dalaga ko, kaya naghanda sa bahay
Birthday cake of Louise

December 1 naman ay birthday ni Eirene
Birthday cake ni Eirene

unang pasko ko dito sa Qatar

ito lang ang paulit ulit kong pinapanood sa youtube


at ang mga sulat ni Eirene at Francis Conrad
basahin ang sulat ni Eirene
basahin ang sulat ni Francis Conrad

hanggang sa mag New Year
basahin ang sulat ni Louise Faye

February 2010 ay ginamit ko ang annual vacation ko sa company
at pagbalik ko dito sa Qatar, homesick na naman...

wala na sigurong lulungkot pa sa akin sapagkat nag iisa akong anak (kaya naman nagparami ako ng anak, lima sila) at ang aking ama ay yumao na, ang aking ina naman bago ako magtungo dito sa Qatar ay binisita ko sa Negros, nitong nakaraang Mother's Day, ginawan ko siya ng tula, habang sinusulat ko ito ay hindi ko mapigil ang pag patak ng luha ko, maaari sigurong ganoon na lamang ang pagka miss ko sa aking ina, muli nailathala ang Sa Pusod Mo Aking Ina sa GMANews.tv Pinoy Abroad Kwentong Kapuso

fathers day ay gumawa ako ng kathang isip na kwento patungkol sa payo ng isang ama sa kanyang anak, Huling tawag ni Itay marami ang nagandahan kaya naman ginawan ko siya ng link para magkaroon ang nagnanais ng personal na kopya, at muli, nailathala sa GMANews.tv Pinoy Abroad Kwentong Kapuso

bilang isang ama ng tahanan, kaakibat sa aking tungkulin na pagyamanin ang moral at spiritual na aspeto ng aking pamilya, masasabi kong naibahagi ko sa aking mga anak ang diwa ng pagkakaisa sapagkat nakakatuwang malaman na papaunlad na ang munting negosyo na aking naipundar, ang Bersikulo

ikaw kabayan, kailan mo huling nakausap ang iyong asawa?, kailan mo huling sinabing "I Love You" sa iyong mga anak? at ang huling tanong
kailan ka huling nagpadala ng remittance?

para sa mas mabilis at siguradong padala, mag-Western Union na!


isang karangalan para sa akin na maging bahagi ng Pinoy Expats/OFW Blog Awards Inc. sa taong ito na may temang "Strengthening OFW Families: Stronger Homes for a Stronger Nation."


minsan pang sinabi ni Abraham Lincoln na

"The strength of a nation lies in the homes of its people."

sana'y nagustuhan ninyo ang aking karanasan at mga munting kathang isip sa aking blog, at nawa'y pagmulan ito ng inspirasyon, sapagkat ramdam ko ang bawat patak ng luha at bawat ngiti sa inyong labi sa tuwing binabasa ninyo ang aking mga katha.

saging ni kiko
nagpapasalamat,
kiko

click here to comment… for bloggers
Share This Button

90 kumento:

sabi ni Harris Naisei

Very nice pareng kiko..
naalala ko tuloy mga little cousins ko sa pagkanta ni Eirene

sabi ni kiko

salamat pareng Harris

sabi ni Tatess

nakakamiss ang family lalo na tuwing pasko.

sabi ni kiko

sinabi mo pa mami tatess, maaari mo nang iboto ang entry ko, just click the nominee image on the sidebar and it will redirect you to voting poll, thank you so much!

sabi ni Palipasan

Isang malaking karangalan sa aming blogistang Pinoy na nasa Qatar ang iyong paglahok sa isang makabuluhang patimpalak ng PEBA 2010 na magsilsilbing inspirasyon ang iyong panulat sa nakararaming OFW sa kanilang pakikipaglaban sa kalungkutan dulot nga pagkakalayo sa kanilang mga pamilya.

Isang mapagpalang Lunes sa iyo at iyong pamilya.

sabi ni Tatess

done voting! Good luck

sabi ni kiko

Maraming salamat po

Pagpalain po lahat ng OFW saan mang sulok ng mundo!

sabi ni Ilasmalen

nkakatuwa nman poh.....hayzzz nakaka-touch.....missing my angels poh tuloy......ilang buwan pa bgo christmas.........

sabi ni kiko

salamat pong muli mami tatess

sabi ni R.S. Mallari

Pangatlong taon ko ng Pasko na wala sa Pinas ngayong taon kung sakali, Minsan nakakalungkot isipin na tanging magagawa mo para mapaligaya ang mga anak ay sa pamamagitan ng materyal na bagay na kung tutuusin ay walang halaga kumpara sa oras na makakasama mo sila.

sabi ni Ishmael Ahab

Magandang kwento po ito. Talagang dapat kayong ma nominate.

I can only pray for you and your family na sana ay magkita na po uli't kayo.

Kaming mga nandito pa sa Pinas ay gagawin ang aming dapat gawin upang hindi na kailanganin ng mga Pinoy ang magpunta sa abroad at mawalay sa pamilya.

God speed po.

sabi ni unnamedpsalmist

Thanks for your prayers Ishmael!

sabi ni kiko

Kung ano po sa palagay ninyo ang nararapat gawin, gawin po natin ng may kagalakan at pananampalataya sa Poong Maykapal.

Pagpalain po kayo ng Diyos at ang inyong pamilya.

sabi ni Chekai Auxilio-Perez

pina hagulhol mo ako ah....this is my 6th Christmas away from home...Maganda ang huling pasko sa atin... puno ng saya, pero di ko akalain na iyon pala ang huling paskona makasama ko ang pinakamamal na ina at lolo...sana ngayong pasko doon ko i celebrate pero nauna c mama lumisan sa pasko kaya kailangan kung umuwi bago mag pasko para sa babang luksa ng aking mga mahal sa buhay na magkasunod na lumisan noong nkaraang taon...

sabi ni Ishmael Ahab

Salamat po sa iyo.

sabi ni Ishmael Ahab

You are welcome po.

sabi ni kiko

tahan na sis, ang mahalaga ay nasa mabuting kalagayan na sila ngayon, siguradong masaya ang pasko mo nito! at sana matuloy na ang dubai mo sis!

p.s. mabuti naman at nakapag comment ka na, hehehe, ang Love Bus itutuloy na...

sabi ni Malen

So touching nman poh ng iyong sinulat....Nkakaiyak nman....Mas lalo kong nmis tuloy mga angels ko....Ang hirap talaga malayo sa mga mahal natin....Nakakatuwa naman po isipin na sa kabila ng lahat ng pagsasakripisyo natin ay patuloy parin tayong nabibiyayaan ng maraming pag-asa at inspirasyon sa buhay...
Sana po eh ma-nominate kayo....maganda po ang pagkakasulat ng iyong kwento...Makatotohanan po talaga para sa lahat....More power po...Goodluck and Godbless.....

sabi ni malen

So touching nman poh ng iyong sinulat....Nkakaiyak nman....Mas lalo kong nmis tuloy mga angels ko....Ang hirap talaga malayo sa mga mahal natin....Nakakatuwa naman po isipin na sa kabila ng lahat ng pagsasakripisyo natin ay patuloy parin tayong nabibiyayaan ng maraming pag-asa at inspirasyon sa buhay...
Sana po eh ma-nominate kayo....maganda po ang pagkakasulat ng iyong kwento...Makatotohanan po talaga para sa lahat....More power po...Goodluck and Godbless.....

sabi ni kiko

mabuti ka nga malen nakapag pasko ka sa atin last year, anyways salamat sa comment

God Bless you and your angels

sabi ni M_alejandrino28

kiko, hayaan mong batiin at hangaan kita sa iyong mga katha at obra...patunay lamang na iba ang galing ng pinoy pagdating sa pagsulat, ndi lamang sa simple o matalinghagang mga kataga kundi nakuhang mong pukawin ang damdaming pinoy... tunay nga na lubhang mahirap ang malayo sa mga mahal sa buhay, "homesick" ang unang kalaban, ngunit dhil sa tulong ng mga blogs tulad nito ay naiibsan ang lungkot at pananabik sa malayong mahal sa buhay...lalo na sa bawat mahahalagang araw at okasyon na malayo tau sknila.. mula sa tulad kong pinoy sa dayuhang bayan, isang pagpupugay sau kiko.. ikinararangal ka ng lahing pinoy...naks! goodluck and more power...

sabi ni Marvin Mejia

Yan si Kiko Morilao....nakatrabaho ko sya sa Printing Industry sa Pilipinas at isa sya sa pinakamagaling naming graphics artist sa kumpanyang aming napasukan(Rounce Printing Corporation).Minsan ko lang din narasang magPASKO sa Pilipinas simula noong ako'y mangibang bansa (1996-1999);(2004 up to present) at yun ay noong Dec.4, 2007.Hindi rin naging madali para sa akin ang hindi makapiling ang mga mahal ko sa buhay tuwing sasapit ang PASKO ngunit dapat kong labanan ang lahat para sa matagumpay na pagbabalik.

Friends and supporters:Don't forget to VOTE Kiko for this PinoyExpats/OFW Blog Awards 2010.

God Bless and More Power!

sabi ni kiko

salamat mich, mabagbag damdamin naman ang iyong naisulat naks!

sabi ni kiko

Salamat sir, sana magkasabay ang bakasyon natin sa pinas at mabisita natin ang Rounce...

God Bless to you and your family!

sabi ni rich

Nice pre....you're a real artist! keep it up...

sabi ni kiko

salamat pre… regards sa family, kita kits na lang ulit sa next Class Reunion!

sabi ni NoBenta

idol, masyado akong naluha sa entry mo. lalo na sa mga letters galing sa mga anak mo. isama mo na rin ang vidoes. sa ngayon, di ko pa nakikita ang mga first born babies (kambal eh) namin. hanggang pics at vid lang. pag nakikita ko yun ay iba't ibang emotions ang nararamdaman ko.

paano pa kaya kung magkaisip na sila at tulad na ng mga anak mo?

God Bless parekoy!

sabi ni NoBenta

yup. bibinyagan na nga sila sa bakasyon ko nect month. sila rin ang dahilan kung bakit kami nag-decide ni misis na mag-abroad na ako dahil sa hirap ng buhay sa pinas. :)

sabi ni Dane

wow Tito.. ang ganda ng gawa mo.. nakaka-touch.. bihira pa naman sa mga lalaki yung ganyan.. hehe. bilib ako sa creativity mo.

Tito, ingat ka lagi jan. God bless po. :)

sabi ni Yellow Bells

ang dami mong anak. nakakatuwa nman ang buhay ofw mo, congratz at good luck sa PEBA

sabi ni kiko

salamat ate dane!

God Bless you too. musta na lang kay mommy :)

sabi ni kiko

thank you very much ms Yellow Bells!

sabi ni Marvin Mejia

Napakagandang inspirasyon para sa lahat, lalo na't naging bahagi rin sa ating buhay ang Rounce Printing Corporation, ipa FRAME ko 'tong tula (Ang Iyong Iniwanan) para may souvenir din ako, full of encouragement ang ginawa mo Kex.God's Will magsasabay tayo.see you soon.

Regards me also to your family.

sabi ni TheGreat

Pare sabi nga nila Kapag nagtanim ka magkakabunga ka! Eh ang dami mo tinanim malamang maraming bunga ito! Good to you Buddy to the matching saging ni KIKO

sabi ni Lejandra Matias

This is really touching! My mom is also working abroad, and there is not a single day that I we do not miss her. Keep up the good fight! I know how hard it must be for you to leave your home and loved ones =)
I loved your anak's very violet letter! hehehe manang mana sa Daddy!

sabi ni kiko

salamat, na download mo ba ung pdf file? in sure hehehe... kita kits na lang sir.

sabi ni kiko

you're TheGreat, thanks buddy!

sabi ni kiko

Thanks ate andra :)

ung utang ko sa'yong signature ni Shia LaBeouf hindi ko naibigay nung bumisita ako sa Mega, 'di bale, dito pa rin naman ang shooting ng Transformers 3, ayaw mo 'nun 2 na ang autograph mo hehehe... thanks ulit!

sabi ni Jayniel Torres

This is a great blog, so inspiring. Keep up the good work!

sabi ni kiko

Thanks Jayniel! please don't forget to vote for my entry! and congrats for winning the VIP ticket of the recent "The Red Carpet 2: Doha's HipHop & Rnb Ball", nice pictures bro!

sabi ni Delfin S. Quesada

Oks na oks. sana ay magkita tayo pagbakasyon mo. Pastor Delfin Quesada

sabi ni kiko

oo nga po tatawagan ko kayo pag uwi ko para magkita na rin kami ni Reb

salamat po Pastor Delfin! regards po kay Tita Divina Valencia…

God Bless!

sabi ni desperatehuman

i admired this blog very much!!! galing!!!

sabi ni kiko

thank you desperatehuman :)

sabi ni unnamedpsalmist

Thank You very much! Please don't forget to Vote! for Entry#5

sabi ni Goddess of Convenience

Although your kathang isip are so very similar to many experiences of many Filipino expatriots, your stories are more touching because you have put them in writing to be read by many of your kababayan. I hope you get this most coveted award. Good luck and God bless!

sabi ni kiko

Thank you very much for the support! God Bless!

sabi ni Pinoy Pctv

kakaiyak ito ah! galing mo tol. sana manalo entry mo. from PinoyPCTV.blogspot.com team..

sabi ni RJ

Nice! Very creative ang post mo, Kiko! U

sabi ni ghuen

good job kiko! goodluck...

sabi ni homefinali

so touching...Godbless po!
at sana marami pa kyong maibahagi na kwento at tula!

sabi ni kiko

Thank you! RJ God Bless!

sabi ni kiko

salamat Idol!

sabi ni kiko

Thanks Ghuen! God Bless!

sabi ni kiko

salamat homefinali, buti ka pa nakauwi na hehehe..

sabi ni lanie

nice work! Godbless.

sabi ni kiko

thanks lanie :)

sabi ni Macky Quidato

Nice blog.....a very touching one.

sabi ni kiko

thanks besfren! welcome back!

sabi ni homefinali

opo sa PUSO ng mahal ko :) have a blessed sunday po!

sabi ni Khit

sana manalo ka kuya francis. good luck!

sabi ni kiko

thanks, ate Khit! regards sa baby mo, i'm sure malaki na sya hehehe…

sabi ni Leny

papa ang galing naman sana mapili ang entry mo

sabi ni don juan

Totoo ang sabi mo, ako ay nangiti at nabasa ang mata sa pagbasa ng sulat ng mga anak mo. Isa lang ang ibig sabihin nito: na ikaw ay mabuting ama at ang mga anak mo nangungulila sa iyo. Pagpalain ka ng Panginoon!

sabi ni kiko

Salamat po! God Bless!

sabi ni Carlos Emmanuel

nice blog kua kiks !

sabi ni kiko

thanks caloy!

sabi ni babyluv

mananalo k kuya!

sabi ni carnation

mabuti na lang talaga ang teknolohiya nakakatulong na palakasin ang relasyon nga mga pamilya. mabuti rin lumabas ang pagka-creative mo, nakakatulong din ito sa iba.

sabi ni kiko

salamat po, God Bless!

sabi ni Bazte from Buhay Qatar

Bossing! gusto ko lang sana ipaalam sayo na saludo ako sa mga likha mo....mabuhay ka Ka Kiko...

sabi ni babyluv

para po sa kaalaman ng lahat...nung makilala ko po ang kikong makata...hindi po ako marunong gumawa ng tula...dahil po sa kababasa ko ng kanyang mga likha,ako po ay parang nagkaroon ng lakas ng loob at sinubukan pong gumawa din ng akda...sinubukan ko po na sumagot sa kanyang mga tula at dahil po sa natatanggap kong papuri galing sa kanya lalo po akong nainspired na magsulat...kaya malaki po anag pasasalamat ko kay kuya kiko..suportahan po natin sya dahil talagang krapat-dapat sya...ang panalo po nya..panalo nating lahat...salamat kuya kiko...

sabi ni kiko

salamat babyluv!

sabi ni Nortehanon

awwwww....how sweet of Eyen to sing you that song....

Just doing rounds among the PEBA 2010 entries. Good luck.

sabi ni kiko

thanks for dropping by…

sabi ni cute_arvie

hi po salamat po sa mga tula at mga kwento niyo,, nakakabawas ng lungkot!!! ang hirap talaga maging OFW pero kailangan para sa pamilya,,,keep up the good work galing,,,

sabi ni kiko

salamat po sa pagbisita…

sabi ni siyetehan

nakakatuwa naman ang kwento mo, ka kiko.

talang kung gusto, may paraan.

walang hadlang upang maipaabot natin ang ating pagmamahal sa ating mga pamilya, saan man sila naroroon.

sabi ni kiko

salamat sa pagbisita kabayan!

sabi ni carnation

hello nice story!

sabi ni kiko

idol, gusto ko lang sana ipaalam sayo na nagpapasalamat ako, akala ko nakalimutan mo na ako…

God Bless you and your family…

sabi ni kiko

Sir nagawan ko nga pala ng tula ang Rounce

Ang Iyong Iniwanan

sabi ni kiko

@Carnation salamat po!

sabi ni Solomon

Brad, ang galing naman. Well documented... It's good to read and see your experiences through your blog. Nakaka-inspire. Sa tulad ko na bagong dating dito sa Qatar para magtrabaho at para sa pamilya, naramdaman ko at mararanasan pa ang mga pinagdaanan mo...
I know that God will bless you and give you wisdom to do more of your inspiring and entertaining works.

...Voted for your entry #5! But your #1 on the Polls...

sabi ni kiko

@Solomon salamat brad… God Bless you too and your family as well…

sabi ni Marvin Mejia

Congrats Kex napasama ang entry mo sa finalist, ang galing mo. nadownload ko na rin yong tula na ginawa mo para sa ROUNCE (Ang Iyong Iniwanan)PDF file.musta nalang kayo dyan sa Qatar at kay Rodson "Boyet" Doletin.

Mga Kaibigan at Tagasuporta:Iboto natin ulit ang kuwento ni Kiko "Entry No.5" para sa finalist ng PinoyExpats/OFW Blog Awards

God Bless!

sabi ni kiko

Salamat po sa inyong lahat na nag comment bumoto at nag like!
God Bless…

sabi ni Anonymous

Galing namn, i tried to stop my tears falling dahil d2 ako sa ofis :(..God bless you. Truly an inspiration..nice blog

sabi ni kiko

dear Anonymous, maraming salamat po… kawa'y kahit papaano ay naging inspirasyon para inyo ang aking munting katha…

sabi ni Blog and Me

binasa ko ulit, maganda kasi at mafefeel mo ang love sa family ni Kiko . malapit na naman ang pasko.As usual sa telpono naman kami mag uusap ng family ko sa Pinas ,kakamiss sila .buti na lang may FB na rin.

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.