Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




si Malakas at si Maganda

natatandaan n'yo pa ba?
nung tayo'y hayskul pa
sa intablado'y may isang dula
si Malakas at si Maganda

maaaring hindi n'yo na naalala
kung gaano ka-seksi si Maganda
limang minuto ko siyang kasama
sa loob ng kawayan bago bumuka

kahit ako noon ay hindi ko na rin matandaan
sapagkat wala akong naitabing larawan
tanging takip ko noon ay dahon sa harapan
pinagpapantasyahan ang hubad kong katawan

nakakatawang isipin paminsan minsan
ang mga tauhang ating ginampanan
hindi maalis sa ating isipan
hindi madaling ito ay kalimutan

Isang karangalan para sa akin na gampanan si Malakas sa isang dula sa Manila High School

Si Malakas at si Maganda ay isang popular na katutubong kwento mula sa iba't ibang bahagi ng bansang Pilipinas, Isa itong pagpapaliwanag ng pinagmulan ng sangkatauhan. Ayon sa mga sinaunang Filipino. Nagsimula ang mundo sa pamamagitan lamang ng Dagat, Kalangitan, Kapatagan, Ang puno ng Kawayan at ng Ibon, Nakarinig ng mga kakaibang tinig ang Ibon na nagmumula sa Kawayan kaya't pinilit nya itong biyakin sa pamamagitan ng pagtuka sa mga ito, nang nabiyak ang kawayan at nahati sa gitna ay lumabas ang isang makisig na lalaki na tinawag na Malakas at isang babae na tinawag na Maganda, at dito nagsimulang dumami ang sangkatauhan, ang si Malakas at si Maganda ay nagsasalarawan ng kulturang Filipino, na ang mga Filipina ay Maganda, Malambing at Mahinhin, samantalang ang Kalalakihan naman ay Malakas, Matipuno at siyang Saligan ng pamilya na laging maaasahan sa panahon ng pangangailangan.

Si Malakas at Si Maganda
Si Malakas at si Maganda ay iginuhit ng sikat na Comic Artist
na si Carlo Pagulayan bisitahin dito ang iba pa nyang obra




Share This Button

1 kumento:

sabi ni Juliarose Leabres_12

thank you po.........
dahil po sa inyo matatapos ko na po yung assignment ko.....
thank you po talga ! ! !
kakatuwa rin po palla yung mga alaga nyu pong isda.....

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.