nang una kitang makita
puso ko ay lumuksong bigla
pinagtanong sa mga ka opisina
kung sino itong magandang dalaga
lungkot sa iyong itsura
tila may nakatagong hiwaga
si kupido ba'y ako'y pinana
at puso ko'y nabihag mo na
ang aking pag-ibig
sa iyo igigiit
puso man ay ipinid
ako'y magpupumilit
dati mong pag-ibig
iyo nang kalimutan
tutulungan kitang
burahin sa isipan
sa yakap ko
ikaw ay manahan
sawing pag-ibig
aking wawakasan
kung ako ay iyong mamahalin
hinding hindi kita paluluhain
ligaya nitong damdamin
sa piling ko'y iyong kakamtin
papahirin ko ang iyong mga luha
ibabalik ang kislap ng iyong mga mata
ngiti ng 'yong labi ay ibabalik na kusa
hanggang sa ikaw ay aking mapatawa
pag-ibig kong ito, tunay at totoo
'pagkat ako sa 'yo'y hindi nagbibiro
iniibig kita sigaw ng aking puso
pakakasalan kita kahit saan mo gusto
pangakong ikaw'y mamahalin
ilan man ang maging anak natin
lakas ko ay sisinupin
upang pamilya natin ay buhayin
at kung dumating ang pagtanda natin
mga tula ko sa iyo'y muling babasahin
hindi magsasawang sa'yo ay sabihin
mamahalin kita hanggang sa aking libing
Paniwalaan Mo
puso ko ay lumuksong bigla
pinagtanong sa mga ka opisina
kung sino itong magandang dalaga
lungkot sa iyong itsura
tila may nakatagong hiwaga
si kupido ba'y ako'y pinana
at puso ko'y nabihag mo na
ang aking pag-ibig
sa iyo igigiit
puso man ay ipinid
ako'y magpupumilit
dati mong pag-ibig
iyo nang kalimutan
tutulungan kitang
burahin sa isipan
sa yakap ko
ikaw ay manahan
sawing pag-ibig
aking wawakasan
kung ako ay iyong mamahalin
hinding hindi kita paluluhain
ligaya nitong damdamin
sa piling ko'y iyong kakamtin
papahirin ko ang iyong mga luha
ibabalik ang kislap ng iyong mga mata
ngiti ng 'yong labi ay ibabalik na kusa
hanggang sa ikaw ay aking mapatawa
pag-ibig kong ito, tunay at totoo
'pagkat ako sa 'yo'y hindi nagbibiro
iniibig kita sigaw ng aking puso
pakakasalan kita kahit saan mo gusto
pangakong ikaw'y mamahalin
ilan man ang maging anak natin
lakas ko ay sisinupin
upang pamilya natin ay buhayin
at kung dumating ang pagtanda natin
mga tula ko sa iyo'y muling babasahin
hindi magsasawang sa'yo ay sabihin
mamahalin kita hanggang sa aking libing
Paniwalaan Mo
pag-ibig ko sa 'yo’y totoo, ni walang halong biro
kaya sana’y paniwalaan mo, ang pag-ibig kong ito
walang ibang mamahalin, kundi ikaw lamang giliw
kaya sana’y paniwalaan mo, ang pag-ibig ko sa 'yo
sa aking buhay, ay walang kapantay
aking pagmamahal, asahan mong tunay
Ooohhh
kaya sana’y paniwalaan mo
ang pag-ibig kong ito
sa aking buhay ay walang kapantay
aking pagmamahal, asahan mong tunay
sa aking buhay ay walang kapantay
aking pagmamahal, asahan mong tunay
pag-ibig ko sa 'yo’y totoo, ni walang halong biro
kaya sana’y paniwalaan mo, ang pag-ibig kong ito
kaya sana’y paniwalaan mo
ang pag-ibig ko sa 'yo
kaya sana’y paniwalaan mo, ang pag-ibig kong ito
walang ibang mamahalin, kundi ikaw lamang giliw
kaya sana’y paniwalaan mo, ang pag-ibig ko sa 'yo
sa aking buhay, ay walang kapantay
aking pagmamahal, asahan mong tunay
Ooohhh
kaya sana’y paniwalaan mo
ang pag-ibig kong ito
sa aking buhay ay walang kapantay
aking pagmamahal, asahan mong tunay
sa aking buhay ay walang kapantay
aking pagmamahal, asahan mong tunay
pag-ibig ko sa 'yo’y totoo, ni walang halong biro
kaya sana’y paniwalaan mo, ang pag-ibig kong ito
kaya sana’y paniwalaan mo
ang pag-ibig ko sa 'yo
nagmamahal,
kiko





2 kumento:
ang swerte naman ng magandang dalaga na yan...aba,kung ako yan at mababasa ko ang tulang ito,sa galing at husay mo kuya eh mapapaibig na ako...nakaka inlove naman ang tula na ito,grabe! i love it! sana ako din magawan mo ng tula! ahihihi...ganda talaga!
halina't sabay nating busugin
ang gutom na hiwaga
sa paraisong....
kaulayaw
ang paos na pagsinta....
Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista
magliham sa akin dito