
Natatandaan ko nung ako’y bata pa, mga magulang ko’y laging nakaalalay na;
Mukha ko nuon'y hindi maipinta, dahil sa kanila’y nakukulitan na.
Bawal yan, huwag gawin yan, hindi tama yan, huwag ganyan;
Sa tenga ko’y paulit-ulit yan, kaya minsan sila’y nilalayasan.
Laki sa layaw ako sa kanila, bawat naisin ko’y binibigay nila;
Kahit ang iba ay hindi nila kaya, pinipilit para ako’y sumaya.
Wala sa planong ako’y nag-asawa, damdamin nila’y hindi ko alintana;
Sakit na dulot sa kanila’y binalewala, sa magulang ay hindi man lang naawa.
Sa una’y naging maayos ang lahat, hanggang sa bigla na lang sumambulat;
Sa akin siya’y hindi naging tapat, nagdesisyon ako ng nararapat.
Pagkatapos, naalala ko na ngayon, kaya pala hindi sila sang-ayon;
Dahil mali ang aking desisyon, ako daw ay kanilang obligasyon.
Aking binalikan ang nakaraan, araw na sila’y aking iniwanan;
Mga mahal sa buhay ay luhaan, lungkot ngayon'y aking nararamdaman.
Bawat patak ng ulan, naaalala kong sila’y aking nasaktan;
Luha ko’y hindi na rin mapigilan
Bawat patak ng ulan, ganon ko sila nasasaktan.






0 kumento:
Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista
magliham sa akin dito