Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




binagyo si sugar

sad ako kay sugar

Sumasagi sa aking isipan
Unang okasyon na pinagsamahan
Ikaw ay laging nasa kandungan
Hindi mabitaw-bitawan.

Mahabang panahon din
Na ikaw ang siyang kapiling
Kahit saan makarating
Ikaw ang aking hinihiling.

Pagtulog sa gabi’y kayakap ka
Sa hita ko minsa’y nakasiksik pa
Buong magdamag na katabi ka
Wala na akong mahihiling pa.

Dumating ang isang pangyayari
Puso ko’y mayroong nagmay-ari
Hindi ko sukat na mawari
Biglang ikaw ay kanyang inari.

Ipinagkatiwala ka nang lubusan
Hindi ko rin naman inaasahan
Na mangyayari sa iyo ang ganyan
Gutay-gutay ng ika’y datnan.

Ikaw daw ay napagtripan
Dahil ikaw ay napag-isipan
Huli na nang aking malaman
Wala na akong nagawang paraan.

Luha ko’y biglang pumatak
Pawis may tumatagaktak
"Sugar" man ay 'sangkatutak
Dito sa puso ko’y ikaw lang ang nakatatak.



Ang "binagyo si sugar" na mga likha ni babyluv
ay maaring ibahagi. Click here for more info.
Creative Commons License


Related Posts with Thumbnails
Share This Button

2 kumento:

sabi ni kiko

ang lalim grabe… nice one babyluv…

sabi ni Babyluv You

thanks kuya kiko....

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.