Nakasabay ng hampas ng ulan
Minsan sa buhay ay kabiguan
Mga pagsubok na pinagdaanan
Wala na nga bang katapusan?
Sabi nila, maging matatag
Sa araw-araw'y maging panatag
Problema man sa 'yo’y ilatag
Hinding hindi ka dapat mabagabag.
Hampas ng ulan ay walang humpay
Tulad ng pagsubok na ibinigay
Dalangin ay maging matibay
Upang magpatuloy ang aking buhay.
Ang sugat sa akin ng nakaraan
Nakatatak pa rin dito sa isipan
Hinding-hindi makakalimutan
Maging hanggang sa kamatayan.

Minsan sa buhay ay kabiguan
Mga pagsubok na pinagdaanan
Wala na nga bang katapusan?
Sabi nila, maging matatag
Sa araw-araw'y maging panatag
Problema man sa 'yo’y ilatag
Hinding hindi ka dapat mabagabag.
Hampas ng ulan ay walang humpay
Tulad ng pagsubok na ibinigay
Dalangin ay maging matibay
Upang magpatuloy ang aking buhay.
Ang sugat sa akin ng nakaraan
Nakatatak pa rin dito sa isipan
Hinding-hindi makakalimutan
Maging hanggang sa kamatayan.







0 kumento:
Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista
magliham sa akin dito