ito ang kusina ni mama
ang favorite tambayan ng pamilya
masarap magluto ng sinigang si mama
kaya naman ang mga bata
sa pagkain ay magana
nakakatuwa dahil ang tatlo kong malalaking anak
ay marunong nang magluto
si Jose ay under training sa pagluto ng pansit canton
si Eirene naman ay nasa stage ng paghihimay ng mga dahon ng gulay
at pagputol sa mga sitaw
kahit na minsan ay may samaan ng loob
pero pag dating ng kainan
sama-samang kakain at magtatawanan
pinalaki ako ni nanay sa kusina
tinuruang magluto mag isa
siya naman dahil Bisaya (Negros Occidental)
masarap magluto ng Arroz Valenciana
Litsong Kawali at La Paz Batchoy
ang biyenan ko naman dahil Bicolana (Sabang Bulusan Sorsogon)
masarap magluto ng Maanghang na Laing (dahon ng gabi)
Ginataang Paa ng Manok (Chicken Feet)
at syempre pa, Bicol Express
Bahay Kubo - Kiko's Version
bahay ni kiko
kahit munti
mga ulam doon
ay sari sari
tinorta
na talong
kalderetang
may mani
sinigang
na may
patani
ginisang
patola
ginataang
kalabasa
at saka meron pa
misong
may mustasa
sibuyas
kalamansi
mani at
luya
mga panahog sa
kinilaw
na isda!
--
—Tinorta na Talong
talong, itlog, mantika, chili powder at magic sarap
sunugin ang talong saka balatan
pisain ng tinidor ang talong para ma-flat
timplahan ang binating itlog ng chili powder at Maggi Magic Sarap
sa isang bowl, ibabad dito ang pinisang talong at i-prito
—Kalderetang may Mani
laman ng baka, patatas, bell pepper, sibuyas, bawang
Mama Sita's Caldereta Mix, at dinurog na mani
palambutin ang baka, i-prito ang mani at durugin,
sa kawali igisa ang bawang, sibuyas at pinalambot na baka,
ihalo ang patatas at bell pepper, 'pag malambot na ang
patatas, timplahan ng Mama Sita's Caldereta Mix
ayon sa Direction nito, 'pag kulo ihalo ang dinurog na mani
—Sinigang na may Patani
sapsap, kamatis, sibuyas, kalamansi at patani
sa kaserola, pakuluin ang tubig at katas ng kalamansi,
pagkulo, ilagay ang sapsap at patani, timplahan ng asin
at ihain ng mainit
—Ginisang Patola
patola, bawang, sibuyas, kamatis miswa at dahon ng sibuyas
igisa ang bawang, sibuyas, kamatis, patola at sabawan,
timplahan ayon sa panlasa, pagkulo, ilagay ang miswa ay ihain
—Ginataang Kalabasa
kalabasa, hipon, gata ng niyog, luya, bawang, sibuyas,
katasin ang niyog at itabi ang unang gata, sa kaserola
pakuluin ang ikalawang gata kasama ang bawang, sibuyas at luya
haluin upang lumapot, ilagay ang kalabasa at hipon at ibuhos
ang unang gata, timplahan at ihain
—Misong may Mustasa
ulo ng maya maya, kamatis, sibuyas, luya, bawang, miso at mustasa
Knorr Tamarind Soup Base
hugasang mabuti ang isda, sa kaserola, igisa ang bawang, sibuyas
kamatis, luya at miso, sabawan at pakuluin, ilagay ang ulo ng maya
maya, timplahan ng Knorr Tamarind Soup Base at asin, pagkulo luto na!
—Kinilaw na Isda
tanigue, sibuyas, kalamansi, luya, mani, sili
hiwain ng maliliit ang tanigue, sibuyas at luya, durugin ang mani
patakan ng kalamansi at haluan ng sili at suka, timplahan ayon
sa panlasa
---
oo nga pala September 15, ngayon
Maligayang Kaawaran sa aking panganay na anak na si
Francis Conrad Morilla Morilao
may kasabihan ang mga nakakatanda, ang kagwapohan daw
ay sa puno nagmumula, tunay ang sinasabi nila
dahil si Itay ay gwapo talaga - FPJ Look-alike

2 kumento:
Kinanta ko pa yung Bahay Kubo Kiko's version mo hehehe. And happy bday sa panganay mo na si Francis Condrad.
namiss ko na ang kinilaw...
Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista
magliham sa akin dito