Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




pag may ulan, may pag-asa

nakatingin
      sa malawak na bukirin

malalim
      ang kanyang isipin

ulan
      kailan ka darating?

diligin mo
      ang tuyong damdamin


sa ulap
      palaging nakatanaw

sa haba
      nitong sikat ng araw

puso niya'y
      laging namamanglaw

sa ulan
      gustong magtampisaw


tuyong lupa
      sa kanyang harapan

nagpapagulo
      pati sa isipan

pag asa,
      kailan masusumpungan

tanging mithiin
      sa kanyang palayan


magsasaka
      ay nangangamba

sa kanilang tanim
      lamang umaasa

nawa'y umulan
      pagsapit ng umaga

dalangin sa Diyos
      sa tuwi tuwina


pag may ulan
      may pag-asa

ang kanyang
      matibay na paniniwala

tunay ba
      o isang haka haka

ulan

na tanging Diyos ang may gawa

© February 2011 www.kwentonikiko.com

pag-asa hatid ng ulan




Share This Button

6 kumento:

sabi ni R.S. Mallari

Ganda ng porma brad, singganda ng mensahe.

sabi ni kiko

salamat brad, mana ako sa'yo hehehe…

sabi ni R.S. Mallari

Tutuusin ako ay iyo ng napag-iwanan
Sa paggawa ng tula na iyong larangan
Ganon pa man, isa pa ring karangalan
Na ikaw ay naging isa sa aking kaibigan

sabi ni Ishmael Fischer Ahab

Naks! Ang ulan ay pag-asa. Pero sa panahon ngayon, minsan ang ulan ay may dalang disgrasya.

Naalala ko tuloy ang matagal na ulan sa Bicol.

sabi ni =supergulaman=

nice one....gusto kong magsun dance este rain dance... :D

sabi ni Bino

importante ang ulan di lang sa mga magsasaka kundi sa lahat ng may buhay sa ating mundo :)

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.