kaytagal kitang inantay
ligaya ng aking buhay
ulan na makapagbibigay
sigla sa pusong nalulumbay
sana ikaw'y manatili
kapiling sa bawat sandali
sa tuwing nariyan ka
buhay ko'y anong sigla
sa tuwing kapiling ka
buhay ko'y puno ng saya
sana ikaw'y manatili
kapiling sa bawat sandali
ulan 'wag sanang lumisan
ako'y 'wag mong iwanan
ligaya na nararanasan
'wag sanang panandalian
sana ikaw'y manatili
kapiling sa bawat sandali
at sa iyong pag tila
puso ko'y nalungkot bigla
mahirap palang umasa
sa tulad mong kusang nawawala
sana ikaw'y manatili
kapiling sa bawat sandali
ano itong dumating
paglisan mo sa aking piling
isang makulay na sining
tugon sa aking paglalambing
hiwaga ng kalangitan
unawa sa ating isipan
kapag ulan ay lumisan
bahaghari ang masusumpungan

ligaya ng aking buhay
ulan na makapagbibigay
sigla sa pusong nalulumbay
sana ikaw'y manatili
kapiling sa bawat sandali
sa tuwing nariyan ka
buhay ko'y anong sigla
sa tuwing kapiling ka
buhay ko'y puno ng saya
sana ikaw'y manatili
kapiling sa bawat sandali
ulan 'wag sanang lumisan
ako'y 'wag mong iwanan
ligaya na nararanasan
'wag sanang panandalian
sana ikaw'y manatili
kapiling sa bawat sandali
at sa iyong pag tila
puso ko'y nalungkot bigla
mahirap palang umasa
sa tulad mong kusang nawawala
sana ikaw'y manatili
kapiling sa bawat sandali
ano itong dumating
paglisan mo sa aking piling
isang makulay na sining
tugon sa aking paglalambing
hiwaga ng kalangitan
unawa sa ating isipan
kapag ulan ay lumisan
bahaghari ang masusumpungan






1 kumento:
kapag ulan ay lumisan
lungkot ang naiiwan
mahirap maintindihan
ang tunay na nararamdaman.
ligayang dulot ng ulan
sana pangmatagalan
hiling sa kalangitan
lahat sana'y pagbigyan.
Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista
magliham sa akin dito