Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




ulan! ulan! ikaw daw ay lumisan





Nuon madalas nating marinig
Mga salitang galing sa munting bibig
Tila minsan sila’y maligalig
Dahil sa patak na parang nagdidilig.

Mga bata sa lansangan
Nais lagi’y may mapaglibangan
Ngunit problema kapag umuulan
Hindi sila makapaghahabulan.

Takot sila sa madulas na daan
Baka sila daw ay mapilayan
Sa pagtakbo’y 'di maalalayan
Lagot sa tatay na may dalang kawayan.

Panalangin nila ulan ay lumisan
Nang lungkot nila minsan ay maibsan
Subalit hindi nila nalalaman
Ang ligayang dulot sa atin ng ulan.

Minsan kapag umuulan
Napapatingin sa kawalan
Problema’y nakakalimutan
Dahil sa walang patid na buhos ng ulan.

Basahin po ang iba pang Mga Likha ni Babyluv

Share This Button

0 kumento:

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.