Taong 1997
Naging mahirap para sa amin ang buhay kahit na dalawa kaming nag tatrabaho, ako bilang Graphic Designer sa Suarez & Sons, Inc. at si Leny naman ay Telemarketing/ Sales Assistant.
Dalawa ang naging anak namin ni Leny at malamang na masundan pa! Abril nang sabihin niyang delay ang kanyang Menstrual Period, dala ng magulong pag iisip, problema at mga dagok ng buhay, napagkasunduan naming ipalaglag ang bata, isang major major mistake sa aming buhay, mabuti na lang at hindi kami pinabayaan ng Diyos, hindi natuloy ang pagpapalaglag, pinayuhan kami ng aming mga magulang.
Kami naman ay nagsisi at natatandaan ko noon ay naglakad pa ng paluhod sa Quiapo si Leny para lang mahiling na walang anumang mangyari sa bata sa kanyang sinapupunan.
Sadyang mabuti ang Diyos…
July, na promote si Leny bilang Telemarketeer, ako naman, nadagdagan ang duties & responsibilities at kaming dalawa ay nadagdagan ng sahod ng higit pa sa aming inaasahan. Nabili namin ang mga kailangan ng baby bago pa man siya ipanganak.
Lalake ang bata, ayon sa ultrasound, malusog, masigla at higit sa lahat malaki angpag aari.
August 31, habang kumakain kami sa Wendy's matapos mag grocery sa Rustan's Cubao, umalingawngaw ang balitang namatay na si Princess Diana, napalunok si Leny at sabay hipo sa tiyan, "'wag ka munang lalabas anak ha!" tanong ko, bakit naman? eh kasi kabuwanan ko na kaya, kung mamaya manganganak ako eh 'di pangalan n'ya Diano, pangit naman pakinggan, hehehhe, maayos naman kaming nakauwi.
September 2,1997 6:32 p.m.
Chinese General Hospital, unang pagdilat ni Pedro Angelo sa mundo.
Masigla at malusog ang bata, 6.44 pounds, salamat sa Diyos at walang anumang deperensya sa kanya, isa nga lang siguro dahilmalaki ang kargada ni Pedro.
Ang pangalan niya ay nagmula sa pinagsamang pangalan ng kanyang dalawang lolo sa lolo, si Gat. Pedro Morilla (tatay ng kanyang lolong si Conrado Morilla Sr.) isang magiting na bayani ng kilusan at si Angel Morilao (tatay ng kanyang lolong si Francisco Morilao Sr.) isang matulungin at mapagkawanggawang mamamayan sa Samar.
November, nagsimula kaming mag ipon para sa plano naming bumukod ng bahay dahil nakatira kami sa mga magulang ni Leny, halos gabi gabi, pagkatapos ng trabaho ay naghahanap kami ng mauupahan sa may parteng E. Rodriguez papuntang Cubao. Sa tulong ng aming mga panalangin at pagtitiwala sa Diyos, nagkaroon kami ng pagkakataon na makapag down sa isang subdivision sa DasmariƱas Cavite, Windsor Homes.
Lumakas ang aming loob para makipaglaban sa buhay, nagsikap sa trabaho at nagkaroon ng sapat na pera sa pinaghahandaan naming paglipat…
February 1998 ay natanggap namin mula sa PAG IBIG ang Housing loan at July ibinigay na ang Keys of Acceptance, August 8, 1998, lumipat na kami sa Windsor Homes, kasama ang aming tatlong anak.

Sa Cavite natutong humakbang at maglakad si Pedro hanggang sa lumaki at tumakbo.
Minsan sa buhay natin, may mga panahon na dumadaan tayo sa pagsubok ng buhay at nagkakamali sa mga desisyon, ang mahalaga ay bumangon, magsikap at gawing inspirasyon ang mga pagkakamali upang gumawa ng tama.
At sa ating pagbabalik loob sa Diyos, pagtanggap sa kanyang mga aral at utos at sa matibay na pananalig, tiyak uulan ng pagpapala.

Oo nga pala September 2 ngayon, labing tatlong taon na ang nakakaraan at patuloy kaming pinagpapala!
HAPPY BIRTHDAY Pedz, isa ka sa mga biyaya ng Diyos sa amin at pagpapalang mula sa Kanya!

Nawa'y maging pagpapala ka rin sa ibang tao anak!
Naging mahirap para sa amin ang buhay kahit na dalawa kaming nag tatrabaho, ako bilang Graphic Designer sa Suarez & Sons, Inc. at si Leny naman ay Telemarketing/ Sales Assistant.
Dalawa ang naging anak namin ni Leny at malamang na masundan pa! Abril nang sabihin niyang delay ang kanyang Menstrual Period, dala ng magulong pag iisip, problema at mga dagok ng buhay, napagkasunduan naming ipalaglag ang bata, isang major major mistake sa aming buhay, mabuti na lang at hindi kami pinabayaan ng Diyos, hindi natuloy ang pagpapalaglag, pinayuhan kami ng aming mga magulang.
Kami naman ay nagsisi at natatandaan ko noon ay naglakad pa ng paluhod sa Quiapo si Leny para lang mahiling na walang anumang mangyari sa bata sa kanyang sinapupunan.
Sadyang mabuti ang Diyos…
July, na promote si Leny bilang Telemarketeer, ako naman, nadagdagan ang duties & responsibilities at kaming dalawa ay nadagdagan ng sahod ng higit pa sa aming inaasahan. Nabili namin ang mga kailangan ng baby bago pa man siya ipanganak.
Lalake ang bata, ayon sa ultrasound, malusog, masigla at higit sa lahat malaki ang
August 31, habang kumakain kami sa Wendy's matapos mag grocery sa Rustan's Cubao, umalingawngaw ang balitang namatay na si Princess Diana, napalunok si Leny at sabay hipo sa tiyan, "'wag ka munang lalabas anak ha!" tanong ko, bakit naman? eh kasi kabuwanan ko na kaya, kung mamaya manganganak ako eh 'di pangalan n'ya Diano, pangit naman pakinggan, hehehhe, maayos naman kaming nakauwi.
September 2,1997 6:32 p.m.
Chinese General Hospital, unang pagdilat ni Pedro Angelo sa mundo.
Masigla at malusog ang bata, 6.44 pounds, salamat sa Diyos at walang anumang deperensya sa kanya, isa nga lang siguro dahil
Ang pangalan niya ay nagmula sa pinagsamang pangalan ng kanyang dalawang lolo sa lolo, si Gat. Pedro Morilla (tatay ng kanyang lolong si Conrado Morilla Sr.) isang magiting na bayani ng kilusan at si Angel Morilao (tatay ng kanyang lolong si Francisco Morilao Sr.) isang matulungin at mapagkawanggawang mamamayan sa Samar.
November, nagsimula kaming mag ipon para sa plano naming bumukod ng bahay dahil nakatira kami sa mga magulang ni Leny, halos gabi gabi, pagkatapos ng trabaho ay naghahanap kami ng mauupahan sa may parteng E. Rodriguez papuntang Cubao. Sa tulong ng aming mga panalangin at pagtitiwala sa Diyos, nagkaroon kami ng pagkakataon na makapag down sa isang subdivision sa DasmariƱas Cavite, Windsor Homes.
Lumakas ang aming loob para makipaglaban sa buhay, nagsikap sa trabaho at nagkaroon ng sapat na pera sa pinaghahandaan naming paglipat…
February 1998 ay natanggap namin mula sa PAG IBIG ang Housing loan at July ibinigay na ang Keys of Acceptance, August 8, 1998, lumipat na kami sa Windsor Homes, kasama ang aming tatlong anak.

Sa Cavite natutong humakbang at maglakad si Pedro hanggang sa lumaki at tumakbo.
Minsan sa buhay natin, may mga panahon na dumadaan tayo sa pagsubok ng buhay at nagkakamali sa mga desisyon, ang mahalaga ay bumangon, magsikap at gawing inspirasyon ang mga pagkakamali upang gumawa ng tama.
At sa ating pagbabalik loob sa Diyos, pagtanggap sa kanyang mga aral at utos at sa matibay na pananalig, tiyak uulan ng pagpapala.

Oo nga pala September 2 ngayon, labing tatlong taon na ang nakakaraan at patuloy kaming pinagpapala!
HAPPY BIRTHDAY Pedz, isa ka sa mga biyaya ng Diyos sa amin at pagpapalang mula sa Kanya!

Nawa'y maging pagpapala ka rin sa ibang tao anak!





6 kumento:
cguradong mabait din ang batang yan kasi sabi nga po..''kung ano ang puno siyang bunga''...happy bday din s knya...god bless...
"Minsan sa buhay natin, may mga panahon na dumadaan tayo sa pagsubok ng buhay at nagkakamali sa mga desisyon, ang mahalaga ay bumangon, magsikap at gawing inspirasyon ang mga pagkakamali upang gumawa ng tama."
like ko po 'to. very inspiring and very touching. Happy birthday po kay Pedz, ayy, kabirthday nya din po ang pinsan ko. :) God bless you po and your family! :)
salamat babyluv :)
God Bless you too Janine!
touch ako =)
ahahaha may ganun!?
Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista
magliham sa akin dito