Tinawag ng Panginoon ang iyong pangalan…
- Jer. 11:16
…at mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga Banal na kasulatan…
- 2 Tim. 3:15
hanggang saan, hanggang kailan
tanong ng pilosopo sa tambayan
sa tuwing ikaw ay nagdaraan
lihim ka nilang pinagtatawanan
iniwan mo ang iyong trabaho
sa Salita ng Diyos inilaan ang oras mo
buhay mo ay biglang nagbago
mabigat na desisyon ang niyakap mo
hanggang saan, hanggang kailan
pananampalataya mong pinandigan
personal mong buhay ay hindi inalintana
mapangalagaan lamang, kaming mga tupa
dahil kami'y itinuring mo nang pamilya
kasama sa dasal pagkagising sa umaga
hanggang saan, hanggang kailan
ang lakas mong ispirituwal
sa bawat sermon mo sa pulpito
ilang kaluluwa ang minulat mo
sa pagkaunawa sa Ebanghelyo
na simula ng ispirituwal na pagbabago
pagpapalang nagmumula sa Kanya
dumadaloy sa iyong mga salita
na kahit mayaman o aba
ay gumiginhawa ang kaluluwa
at sa panahong ikaw'y nanghihina
pilit mo pa ring itinatago sa madla
dahil ikaw ang kalakasan nila
'pagkat para sa kanila ay huwaran ka
hanggang saan, hanggang kailan
tanong kong iiwanan
kung ikaw ngayon ay pinanghihinaan
nawa ang tula kong ito'y
iyong maging kalakasan
- Jer. 11:16
…at mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga Banal na kasulatan…
- 2 Tim. 3:15
hanggang saan, hanggang kailan
tanong ng pilosopo sa tambayan
sa tuwing ikaw ay nagdaraan
lihim ka nilang pinagtatawanan
iniwan mo ang iyong trabaho
sa Salita ng Diyos inilaan ang oras mo
buhay mo ay biglang nagbago
mabigat na desisyon ang niyakap mo
hanggang saan, hanggang kailan
pananampalataya mong pinandigan
personal mong buhay ay hindi inalintana
mapangalagaan lamang, kaming mga tupa
dahil kami'y itinuring mo nang pamilya
kasama sa dasal pagkagising sa umaga
hanggang saan, hanggang kailan
ang lakas mong ispirituwal
sa bawat sermon mo sa pulpito
ilang kaluluwa ang minulat mo
sa pagkaunawa sa Ebanghelyo
na simula ng ispirituwal na pagbabago
pagpapalang nagmumula sa Kanya
dumadaloy sa iyong mga salita
na kahit mayaman o aba
ay gumiginhawa ang kaluluwa
at sa panahong ikaw'y nanghihina
pilit mo pa ring itinatago sa madla
dahil ikaw ang kalakasan nila
'pagkat para sa kanila ay huwaran ka
hanggang saan, hanggang kailan
tanong kong iiwanan
kung ikaw ngayon ay pinanghihinaan
nawa ang tula kong ito'y
iyong maging kalakasan
Ang tulang ito ay alay ko sa mga Pastor na naging bahagi ng aking buhay
Pastor Peter Ramos at Pastor Ramel Escueta
Pastor Cesar Roxas at Pastora Ana Roxas ng
The River of God Christian Fellowship Inc.
Pastor Ricky Avorque at Pastora Winnie Avorque ng
Jesus Christ Saves Global Outreach
Pastor Delfin Quesada at Pastora Divina Quesada
Pastor Melvin Travis at Pastora Mariah Tata Travis
Pastor Albert Kang ng Elijah Challenge Asia
at mga Pastor na pinakilala sa akin ni Ate Mags Viduya
at Sina Pastor Bernie at Pastor Nestor na nakilala ko dito sa Doha Qatar
sa pagdiriwang ng Pastor's Appreciation Month
Pastor Peter Ramos at Pastor Ramel Escueta
Pastor Cesar Roxas at Pastora Ana Roxas ng
The River of God Christian Fellowship Inc.
Pastor Ricky Avorque at Pastora Winnie Avorque ng
Jesus Christ Saves Global Outreach
Pastor Delfin Quesada at Pastora Divina Quesada
Pastor Melvin Travis at Pastora Mariah Tata Travis
Pastor Albert Kang ng Elijah Challenge Asia
at mga Pastor na pinakilala sa akin ni Ate Mags Viduya
at Sina Pastor Bernie at Pastor Nestor na nakilala ko dito sa Doha Qatar
sa pagdiriwang ng Pastor's Appreciation Month
at sa aking pinsan na Pastor Vic Balingcongan ng ACCF Ministries






3 kumento:
Pastor is a gift from God...i will appreciate my Pastor
Thank you to all pastors who continue to press on the GOAL!
God bless you!!
nakakatuwa naman ito. Pastor ang asawa ko kaya isang blessing ang makabasa ng ganitong tula na ginawa with effort. Pagpalain ka.
Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista
magliham sa akin dito