
Leny: Pa', kaya mo 'yan
ilang buwan na lang bakasyon mo na ulit
miss you too…
love you
Lola: sinong kausap mo!?
Leny: si Kiko, ang anak n'yo 'Nay
na ho-homesick na naman pati ako napapaluha
Lola: naku 'yan na nga ba ang sinasabi ko eh
kung walang cellphone hindi kayo parehas na ho-homesick
Leny: 'Nay buti nga may cellphone
para nakakausap ko siya palagi
malayo kasi ang payphone sa kanila

Cellphone ni Pedro (nagsusumbong)
Pedro: Papa, si kuya ayaw magpalaro sa computer…
kanina pa siya naglalaro ng dota…
… ano Papa!?
… si ate po nasa itaas kasama si eyen
oh 'tew si papa kausapin ka, love you too …
Jose: Papa, si kuya ayaw magpararo ni aaway ako …
okay, love you too
Lola: naku Pedro panay sumbong nyo sa papa nyo,
imbis na hindi sya nag aalala, ahh hmmm …

Cellphone ni Louise (masaya)
Eirene: Papa si eyen po ito …
Okay lang po …
nandito po …
… naglalaro kami ng bahay bahayan
kunwari naglalaba daw po siya
… kaya ako pinasagot n'ya ng cellphone
wet daw hands nya …
okay …
love you too …
bye
Nokia Ring Tone

Cellphone ni Conrad (natatakot)
Lola: con con si papa mo tumatawag 'bat ayaw mo sagutin!?
Pedro: lagot ka kuya, kaw kasi ayaw mong magpahiram ng computer
Lola: ayan, binili ka ng cellphone ng papa mo tapos ayaw mong sagutin tawag ni papa mo!, buti na lang ako walang cellphone …
Nokia SMS Tone
Conrad: 'Nag text si papa, nagpadala na daw siya
Lola: akin na nga 'yan (kinuha ang cellphone ni concon) pa'no ba mag reply!?






11 kumento:
Wow galing nito. Super connect ako sa mga dialogue. Galing mo kiko kahit wlang sisabi ang tatay alam mo kung ano ang sinasabi at nararamdaman.
galing mo naman Mr. Diamond, napansin mo 'un tinago ko na nga eh, salamat sa clear observance :)
Another entry ba ito, Kiko? Nice. Good luck then.
wow.. PEBA Nokia Entry..
good luck and Godbless po!
salamat po ma'am YanaH, and belated Happy Birthday :)
opo entry po ito para sa PEBA's call for blog entry
with the title "Nokia, Connecting OFW Families"
ang cute ng entry!hahaha
Ang cute nito. =)
si lola, gustong-gusto makausap ang anak pero walang cellphone para magtext or mag-call. hays...na-touch ako sa message nito. klarong-klaro! karaniwan kasi puro asawa at mga anak na lang natin kinakausap natin sa phone, samantalang ang lolo at lola or nanay at tatay...naibaba na lang, ayun pa rin at naghihintay.
nakakalungkot... wala na si lola :(
si lola hindi nakatiis sa huli ,nang agaw na ng cellphone .bakit kasi hindi kinakausap ni papa. kakaaliw naman itong entry mo .Goodluck.
Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista
magliham sa akin dito