Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




Ang Pagbabalik - Ibong Adarna 00

bakit mo hinahanap ang Ibong Adarna?
may karamdaman din ba ang iyong mahal na ama?

dahil ba nabasa mo ang kanyang kwento
na tinig niya ang makapagpapagaling sa ama mo?

sa iyong pagsasaliksik
itanim mo sa iyong isip
wala sa kanya ang lunas
kaya 'wag nang magpumilit

ngunit dahil sa ikaw ay makulit
kwento niya'y isasambit
akin sa iyo'y inuulit
ito lamang ay kathang isip

Bagaman ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga kinikilalang bahagi ng Panitikang Pilipino, ang akdang ito ay hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas. Sa pananakop ng mga Kastila, ang Ibong Adarna ay nakarating sa Mehiko at di nagkalaon ay nakaabot sa Pilipinas. Nagsimulang maging popular ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang ito'y isalin sa katutubong wika. Ang bawat kopya ng akdang ito ay ipinagbibili sa mga perya na karaniwang nagpapalipat-lipat sa mga bayang nagdiriwang ng pista. Ngunit marami noon ang 'di marunong bumasa kaya't iilan lamang ang mga kopyang napalimbag. Sa kabutihang-palad, 'di nagtagal ay itinanghal na ito sa mga entablado tulad ng komedya o moro-moro.

Sa ngayon ay may ilang nagpapalagay na si José de la Cruz (o Huseng Sisiw), isang makatang kaalinsabay ni Francisco "Balagtas" Baltazar noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ang kumatha ng Ibong Adarna. At dahil nga sa kawalang-katiyakan kung sino ang orihinal na may-akda at dahil na rin sa kasikatan nito sa Panitikang Pilipino, maraming nag-aakala na ang Ibong Adarna ay katutubo mismo sa Pilipinas.

Samahan ninyo ako habang ikinukwento ko ang pagbabalik ng Ibong Adarna
sa anyong tula / balagtasan…

Kung nais po ninyong magkaroon ng kopya ng
"Ang Pagbabalik", Magliham kay Kiko o Magpasalamat kay Kiko

PAUNAWA:
Ang inyong mababasang tula / balagtasan ay orihinal na gawa ni kiko,
ayon sa buod ng kwento ng Ibong Adarna.


Share This Button

3 kumento:

sabi ni YanaH

naalala ko nugn highschool ako.. tuwang-tuwa ako sa ibong adarna.. kase binibigyan kami ng project na ipoportray namin ang mga characters, with costumes, improvised settings and everything. nakakaexcite hindi ako talentadong aktres, pero naeenjoy ko naman.. we were given the chance na mailabas ang creativity at iba pang talent para maipakita ang tunay na kabuluhan ng bawat chapters na ini-aassign sa amin

sabi ni kiko

salamat sa kumento Bb. YanaH, sabi nga sa akin dito, ano ba ang mapapala mo 'jan sa pag post ng Ibong Adarna eh halos lahat yata ay alam na ang kwento nyan, sabi ko naman, ibang klase itong sa akin dahil imahenasyon ang pinagana ko dito, base lamang sa buod ng kwento, medyo madugo para sa akin, dahil halos lahat ay sa anyong tula / balagtasan, nakatulong sa akin upang mahasa ang wikang Pilipino 'cause ya know it is dffcult to express our own language here in abroad and everything…
anyways, masaya ako kasi kahit papano naging bahagi ako sa isang Sikat na Panitikang Pilipino… at alam kong makakatulong ito sa Edukasyon ng mga bata sa hinaharap!

sabi ni Anonymous

hinding-hindi ko makakalimutan ang kwento ng "ibong adarna" kasi nung bata ako bukod s aklat na binabasa ko,paulit-ulit kong pinapanood ang movie n yan s telebisyon...kundi ako nagkakamali ang ibong adarna ay si Lotis Key...sobrang ganda kasi nyan at marami k pang m222nan n lesson s buhay...isang n22nan ko jan eh dapat sa isang tao,magkakapatid man o hindi,dapat wag kang maiinggit s kapwa mo,wag kang maging sakim at gahaman sa kahit anong kapangyarihan...thanks kuya kiko..favorite kong kwento yan eh...naalala ko 2loy nung bata p ako...

BABYLUV

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.