Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




sisidlan

Pepe : Ayan, tapos nang magdasal si bosing. Pinatay na ang ilaw, pwede na tayong mag-usap. Kumusta ka na swit?

Swit : Eto sweet pa rin!

CM : Kinda! (Jealous)

Swit : Huu, selos ka lang eh, pa'no bihira kang isama ni bosing kay Pepe, bhe!

Pepe : Psst. tama na yan, sweldo na naman at kita nyo naman, lahat tayo maligaya kasi madami na naman tayo.

Tom : Oo naman, kahit ako sobrang mahal, can afford pa rin si bosing na bilhin ako.

Pepe : Yabang mo Tom!

Tom : Ka Pepe, tuwing umaga ka lang naman kinakausap ni bosing, ako 3 times a day

Pepe : Oo nga, kaya malaki tumbong mo (Big-ass)

Swit : Teka, Teka, Teka. May chika ako. Nakita ko 'yong remittance ni bosing, nakapagpadala na s'ya.

CM : Really? Ganen?

Swit : Huu pasusyal ka pa CM, oo ganun nga.

Pepe : Kung nakapagpadala na s'ya tapos nabili n'ya pa ang mga kailangan nya, madami na siguro syang pera?

Tom : Siguro may sugar mommy si bosing. Sana chika babes!

Pepe : Quite! Quite!

Swit, Tom : Bakit Ka Pepe?

Pepe : Bumukas ang ilaw parating si bosing..



Tom : Wow! Sexy (sabay sipol)

Swit : Hoy Tom, bata pa yan

CM : Hey who are you?

Popo : Ako po si Popo, lalake po ako.

Pepe, Swit, Tom : Ah!! Bakit ka nandito?

CM : Haler, didn't you notice guys, bosing left him!

Swit : Tignan nga kita (kasamang tumingin si CM)

CM : W H A A T T?

Swit : Ka Pepe, may lamang pera!

CM : Yah as in United States Dollars

Tom : Naku, pang Good Time ni bossing, Hmm Ramada? Sofitel? Saan kaya? Sabi ko na, may sugar mommy si bosing eh.

Popo : Hindi ko din po alam eh, kanina naririnig ko, nagpapasalamat siya, may kausap sya, nagtataka ako kasi nakapikit sya habang hawak nya ako, sabi nya "Thanks for the salary increase, truly you are the true GOD." Tapos sabi nya sa akin, bukas daw, pupunta kami sa Church, isasama nya daw akong magsimba.

Swit : Ah yun naman pala eh. May increase si bosing.

Pepe : Oh ano Tom?, boljack ka na naman! Kailan kaya lalaki 'yang utak mo na kasing laki ng tumbong mo? (Big-ass)

CM : Hmm. The question is : What is the secret of Bosing, How come he has salary increase? Huh?

Maikling Kwento ni Kiko
SISIDLAN
Mga Tauhan:
Pepe - Kape
Swit - Asukal
CM - Coffeemate
Tom - Bigas
Popo - Sisidlan ng IKAPU (tithes)

kaibigan,
maaaring nabasa mo itong likha ko dahil gumagawa ka ng resume mo sa isang computer rental dahil wala kang trabaho sa ngayon, paano ka makapagbibigay ng ikapu!? tanong mo sa sarili mo…

kaibigan,
naranasan ko na rin 'yan noon, ngunit ngayon na isa na akong OFW, nais kong ibahagi sa iyo ang naging sekreto ko…

maglaan ka ng ika-sampung bahagi sa isang araw para manalangin at kapag nagagawa mo na ito ng isang linggo, maglaan ka naman ulit ng ika-sampung bahagi sa isang araw para magbasa ng Salita ng Diyos, magugulat ka sa resulta dahil lalakas ang inyong ispiritual na pamumuhay…

dahil ang biyaya na nagmumula sa Kanya ay hindi maaagaw ng kahit na sino sa anumang paraan

nga pala, sakaling matanggap ka sa ina-apply-an mong trabaho, sana balikan mo ang aking katha na minsang nagmulat sa iyo ng simpleng pakikipag relasyon sa Diyos.


Share This Button

26 kumento:

sabi ni Rommelcarrascal

kiko, ang ganda naman ng kwentong ito, nakakainspire. love it.
napakahalaga ng prayer time sa buhay ng tao.

sabi ni YanaH

simpleng kwento pero may kalakip na isang napakameaningful na kaisipan. salamat sa paaalala kuya. minsan ay nakakalimot ang tao...minsan kase nagpapadala sa mga forces brought about by money, nakakalimutan natin ang dapat gawin, nakakalimot tayo sa kung ano ang dapat na maging batayan natin..
kadalasan nakakalimutan din nating magpasalamat..

sabi ni Ishmael Ahab

Ang ganda ng likha mong kwento. Kung anu-ano ang naiisip ko habang binabasa ko ito. Mali pala yung naiisip ko.

Astig! It is nice to read your blog.

sabi ni Jon Genese

ang galing naman, but really dapat lang naman ung ikapu.
thanks for sharing. God bless...

sabi ni kiko

salamat sa pagbisita ate YanaH, Ishmael at Jon

sabi ni c5 @ gomommygo.info

totoo yan! by the way, yung "Quite! Quite!" dun eh "Quiet" pala ibig mo sabihin. :P

sabi ni kiko :(|)

@c5 galing naman matagal ko nang hinahanap kung sino ang makakapuna noon…

sabi ni Clint Andrew

Makata ka talaga sir. Ang galing lang. Sana may ganito rin akong talento.

sabi ni sionee

This is a good story about tithing. hehe tama ka nga just in time dahil akinse dito sa Pinas at sweldo. Pero ngayon ay Linggo so natanggap na nila ito noong Biyernes, atrese. :)

sabi ni Traveling Morion

hahaha naging pilyo aq d2 ah, galing kiko!

sabi ni tatess

10% na tithe ay 10 times na babalik sa atin. ganng story at palaisipan yung mga tauhan.

sabi ni stacy

kala ko tunay na story galing true to life eh

sabi ni Sumi Go

Nung una medyo nahirapan pa ko intindihin, pero nung makita ko yung character list.. All I can say is galing! :) Anyway, thanks for sharing this post 'cause it somehow served as my needed reminder.. :)

sabi ni ralph

galing naman... never thought the story will turn out differently as characters identity were presented. Yahweh bless.

sabi ni chrisair

yup ito din yung turo sa "ang perang di bitin" titling ba tawag dun hahah d ko sure

sabi ni mumwrites

this is fun yet inspiring anecdote, thanks for sharing. it is true that if we put God in the center of our lives, there will be outpouring of blessings + happiness! ^_^

sabi ni Jonathan

This is great! Keep up the good work Kiko!

sabi ni Ion Gonzaga

hayaan nating maging instrumento tayo ng Diyos ng kanyang kabutihan - ilagay sya sa centro ng ating buhay at lahat ay susunod ng naayon sa kanyang kagustuhan

sabi ni Clint Andrew

Galing nyo sir! Keep it up!

sabi ni ellinor

Nice concept for a poem. God bless. :)

sabi ni violy vallester

Ganda naman! Yeah we should learn to give back and share our blessings! ;-) god bless!

sabi ni gracia

You are really blessed po Tay... gifted ika nga.

Thanks po for sharing this reminder.
Godbless you more.

sabi ni Nancy

bilib namana ako sa imahiasyon mo Kiko at naisipan mo pang isali sa cast yung coffee mate at asukal. La akong masabi! :D

sabi ni busyok

hi kiko,
nakibasa lang po ng nakakaaliw na kwento mo.
babalik ako.promis.

sabi ni Sonny

So inspiring! galing! Thanks for sharing!

sabi ni Ric

Hi Kiko, salamat. very inspiring naman. i will visit again, promise!

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.