Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




dalawang babae sa buhay ko tuwing sasapit ang pasko

parang ang hirap pagsabayin
ang dalawang babae sa buhay ko
tuwing pasko ay darating

mula sa sinapupunan ako'y kanyang minahal
hanggang sa ako ay matutong umusal
walang maliw na ako'y kanyang inaruga
hanggang sa ako ay matutong tumula

at nang ako ay magbinata
ginantihan ko ang kanyang pagkalinga
sa tuwing pasko ay kaarawan niya
hindi maaaring mawalan ng handa

isang babae ang sa akin'y dumating
na habambuhay kong makakapiling
iisa ang laman ng damdamin
hanggang sa dumami ang anak namin

hindi sinasadya bagkus isang tadhana
na magkasunod ang kaarawan nila
dalawang babaeng mahal ko sa puso at diwa
paskong pagdiriwang na kakaiba

maligayang kaarawan
sa aking maybahay [Dec. 23]
at sa aking Ina [Dec. 24]

Share This Button

3 kumento:

sabi ni Ishmael Fischer Ahab

Asteeg ah. Dec 23, Dec 24, tapos pasko kinabukasan! Three days celebration. ^_^

Merry CHRISTmas po sa iyo.

Ngayong lang po uli nakabalaik sa blogging after almost a month of missing-in-action.

It is good to be back.

sabi ni Diamond R

ang galing muntikan ng mag sabay and date. w

sabi ni Tsina

Maligayang Kaarawan sa kanila.

At Maligayang Pasko sayo. =)

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.