napuno ang aking isip ng mga salita at pangungusap
mga tanong at haka hakang saan ako magsisimula
spoliarium na ikinikintal, parang alon sa pintig ng ulan
bilis ng pag-iisip bagwis na tumarak sa dibdib
agam agam at pananabik, lulan ng tangan mong hatid
mungkahi na binigyang halaga, tinutuligsa ng munting bata
patak ng kandila sa balat
tikom na labing kagat kagat
bilis na pintig ng puso
kabang dala ng nagdidiliryo
bangis ng kamandag sa siwang na ibinulatlat
tuyot na labing hindi maikubli
nadarang sa dusang puno ng hikbi
itanong mo sa buwan pagsapit ng gabi
diligin ng ambon itong murang binhi
lisanin ang isip ng mapanirang puri
dugong nananalaytay sa gawang mabuti
tugon sa suliranin ng nakararami
ang singsing na suot ay pakaingatan
paghuhugas ng kamay ay huwag bilisan
maging totoo sa iyong tinuran at
iwasang tamaan ng mahiwagang boomerang
kailan bibigyan ng puwang
ang agos na laman ng isipan?
Ang tulang Spoliarium ay pinagsama-samang samu't saring laman ng aking isip na nais kong iparating bago ako maidlip, hanggang sa ako ay managinip ito ang aking naging bukambibig. - kiko
Ang pintang Spoliarium ay iginuhit ni Juan Luna bilang lahok sa Exposición Nacional de Bellas Artes noong 1884 at nagwagi ng medalyang ginto. Noong 1886, ito ay ipinagbili sa Diputación Provincial de Barcelona sa halagang 20,000 pesetas. Ito ay kasalukuyang makikita sa pangunahing palapag ng National Museum of the Philippines.
[ SPOLIARIUM by: Eraserheads/ Imago ]
dumilim ang paligid may tumawag sa pangalan ko
labing isang palapag tinanong kung okey lang — ako
sabay abot ng baso may naghihintay
at bakit ba 'pag nagsawa na ako biglang ayoko na
at ngayon 'di pa rin alam kung 'bat tayo nandito
pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo
lumiwanag ang buwan San Juan 'di ko na nasasakyan
ang lahat ng bagay ay gumuguhit na lang Sa 'king lalamunan
ewan mo at ewan natin sinong may pakana?
at bakit ba tumilapon ang gintong alak diyan sa paligid mo?
at ngayon 'di pa rin alam kung ba't tayo nandito
pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo
ooohhhh ooohhhhhhh ahhhhhhh ahhhhhhh ahhhhhhh
umiyak ang umaga anong sinulat ni Enteng at Joey diyan
sa gintong salamin 'di ko na mabasa 'pagkat merong nagbura
ahhhh ahhhhhhh ahhhhhhh ahhhhhhh ahhhaahhhh ahhhhhhh
ewan mo at ewan natin sinong may pakana?
at bakit ba tumilapon ang spoliarium diyan sa paligid mo?
at ngayon 'di pa rin alam kung ba't tayo nandito
pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo
pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo
pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo
ang pag-ikot ng mundo ang pag-ikot ng mundo
ang pag-ikot ng mundo ang pag-ikot ng mundo
ang pag-ikot ng mundo ang pag-ikot ng mundo
ang pag-ikot…

Ang kantang Spoliarium ay nagmula sa Eraserheads mula sa Sticker Happy Album na naglalarawan ng hubad na babae na nagpapatugtog ng piano sa gitna ng parang sa kanilang cover. Ang hubad na babae ay si Channel [V] VJ Joey Mead. Taong 2002 nang maghiwa-hiwalay ang Eraserheads, 2005 ay naglabas ng tribute album ang Sony BMG Music Philippines, Inc. ng Ultraelectromagneticjam!: The Music Of The Eraserheads at ang Spoliarium ay tinugtog ng Imago.

15 kumento:
Itinanong ko sa nakukubling buwan,
Ang bawat hibla ng agam-agam sa aking isipan,
Sa pagbigkas ko ng kataga, ako'y kanyang tinitigan,
Ang tanong na gustong masagot ay mas lalong palaisipan.
Kailan huhubarin ang maskarang iniingatan?
Patuloy bang ililihim ang bertud ng kapalaluan?
Sasabay sa halimuyak ng bukang-liwayway?
O sa isang bulong ng nangungusap katotohanan ilalahad?
Maganda talaga yang pinta na iyan ni Juan Luna ng Spolarium. Kaya hindi kataka-taka na Gold ang nakuha niyan.
Grabe ka po matulog. Pati tula pinapaginipan mo na.
salamat sa pagbisita ate Bhing, hindi pa ako makasagot hehehe… blanko utak ko…
@Ishmael, hahaha… ganun ata kapag nakahiligan nang tumula pati sa pagtulog…
naks.. galing nitong gawa mo. nais kong ipabatid na ako'y masugid na tagahanga ng dating eraserheads.. haha kaya love ko to! ganda ng painting parang nakakatakot na di ko maintindihan ang sarili ko. sorry pero mahina ako sa sining.. :P
Kung mahilig kang sumulat at gumawa ng tula di kelangan bigyan ng puwang ang agos na laman ng kaisipan. Kaya palaging kita'y sinusubaybayan sa lahat mong blog dahil may kabuluhan ang lahat na isinusulat mo. Isinilang ka naiiba sa lahat... Nagustuhan ang mga lahat na ginagawa mo! :)
Napakaganda talaga ng Spolarium. Isang napaka-meaningful na post ulit.
naalala ko tuloy yung tape ko ng album ng e-heads... saan na kaya napatambak yun... paano ba naman, di na uso tape ngayon...
gusto ko rin yan eheads kaya lang nagkahiwa-hiwalay na. =(
HIndi pako nakakapasok sa National Museum of the Philippines, kaya hindi ko pa nakikita ang Spoliarium.. maliban lamang sa mga libro at blogs. Sana isang araw, makita ko din ito nang personal.. isang historical work of art.
Narinig ko na rin ang kantang Sploriarium ng Eheads. Magandang kanta. Sayang nga lang, nagkahiwa-hiwalay na sila..
eraserheads and juan luna.. great artist of different time, names been a brand and now a legendary icons.
Narealize ko na hindi ko pa nakikita ang Spolarium ... fail ako.
this is one of my favorite songs of Eraserheads. Memorize ko pa talaga ang lyrics.. hehehe.
bigla ko namiss ang eraserheads. this is also one of my favorites. Epic
Ganda naman ng song. Miss ko na kababayan ko- Ely Buendia.
Ang Ganda ng spolarium dapat kasama sa curriculum ng kabataan ang pagbisita at ang istorya nito.
galing talaga ng pinoy sa sining... eraserheads, played their songs once in a while... Yahweh bless.
Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista
magliham sa akin dito