Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




mabuti ka aking ina

mula sa sinapupunan'y iyong inaruga
iningatan ako hanggang sa um-uha
sa paglaki ko naging mahigpit ka
inilayo ako sa maling barkada

pagkakamali ko'y iyong pinupuna
pangaral at palo ang sa akin'y tatama

mabubura pa ba ang mga ala-ala
ng pagmamalupit mo noong ako'y bata pa?

bawat patak ng luha ay gumuhit na
na nagpatigas sa puso, mula pagkabata

mga salita mong umukit sa aking puso
tingin sa sarili ko'y walang kwentang tao

sabi nang iba'y ako'y iyong inabuso
nawalan ng respeto sa aking pagkatao

mabuti kang ina, paghanga ng iba
dahil mabuti ka, sa pagkaka alam nila

sino nga ba ako, upang sa iyo ay manghusga
suwail na anak, sa aki'y turing nila

ngayong araw ng mga ina, muli't muli'y babatiin ka
ipangangalandakang, mabuti kang ina

poot sa puso ko'y kalilimutan na
pati ang luha ko ay kusang ititila
iisipin ko lang na mabuti kang ina
kahit na pag-ibig mo, sa akin ay wala

nais kong malaman mo
na dito sa puso ko
ikaw pa rin ang inay ko
magunaw man ang mundo

sana naman mahalin mo ako
hindi dahil sa mabuti kang tao
kundi dahil sa ako ay anak mo


Share Video on Facebook
Ang tula pong nabasa ninyo sa itaas
ay hango sa aking emahenasyon tungkol sa isang anak
na naghahanap ng pagmamahal sa kanyang ina
Salamat po sa inyong pagsubaybay…

Basahin ang iba pang Tula para sa ina dito



click here to comment… for bloggers


Ibahagi sa Facebook, Twitter, at Digg
Share This Button

3 kumento:

sabi ni BuhayOFW

nice work brader... ganda nito

sabi ni Carnation

meron ba talagang ina na ganyan?

sabi ni Misalyn

I wonder kung meron ba talagang ina na hindi mahal ang kanyang anak. Siguro hindi man showy ang iba, pero sa kaibuturan ng puso nila eh mahal nila ang kani-kanilang anak. Ang iba kasi, lalo na yung mga nagbuntis out of wedlock or yung mga na-rape, nagkakaroon sila ng tinatawag na defense mechanism at isa doon ang pagmamahal na hindi tuwirang maipadama sa anak.

By the way, ang bilis mag load ng page kuya Kiko. Mabrook!

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.