dakila ang DIYOS sa KANYANG kabutihan
sapagkat tulong NIYA'Y hindi tinutuldukan
'di tulad nating KANIYANG nilalang
pagtulong sa kapwa ay may hangganan
ano nga ba talaga ang ating basehan
upang ang pagtulong ay tuluyang wakasan?
kung ano mang pagsubok ang iyong pinagdaanan
huwag naman sanang gawin itong dahilan
mapalad silang kahit na may karamdaman
patuloy na naglilingkod sa sambayanan
dakila't matuwid ang kanilang sinimulan
walang dahilan para pagtulong ay tuldukan
mayroon din namang ayaw makialam
idinadahilan ang kanilang karamdaman
samantalang alam naman nilang mali
sariling kaalaman ay ikinukubli
kaibigan
sa panahon ng kagipitan
at alam mong ikaw ang inaasahan
nakahanda ka bang tulong mo ay ilaan
o kusang iiwanan at tatalikuran?
ano man ngayon ang iyong kalagayan
dumadanas ka man ngayon ng matinding karamdaman
huwag mong kalimutan at palaging tandaan
nariyan SIYA at ikaw'y pinagmamasdan
sapagkat tulong NIYA'Y hindi tinutuldukan
'di tulad nating KANIYANG nilalang
pagtulong sa kapwa ay may hangganan
ano nga ba talaga ang ating basehan
upang ang pagtulong ay tuluyang wakasan?
kung ano mang pagsubok ang iyong pinagdaanan
huwag naman sanang gawin itong dahilan
mapalad silang kahit na may karamdaman
patuloy na naglilingkod sa sambayanan
dakila't matuwid ang kanilang sinimulan
walang dahilan para pagtulong ay tuldukan
mayroon din namang ayaw makialam
idinadahilan ang kanilang karamdaman
samantalang alam naman nilang mali
sariling kaalaman ay ikinukubli
kaibigan
sa panahon ng kagipitan
at alam mong ikaw ang inaasahan
nakahanda ka bang tulong mo ay ilaan
o kusang iiwanan at tatalikuran?
ano man ngayon ang iyong kalagayan
dumadanas ka man ngayon ng matinding karamdaman
huwag mong kalimutan at palaging tandaan
nariyan SIYA at ikaw'y pinagmamasdan






1 kumento:
minsan dapat alam mo din kung anong klaseng tulong ang iniaabot mo kasi madalas naabuso...kaya naman magbanat ng buto pero inaasa parin ang mga problema sa iba..
totoo nakamasid Sya lagi kaya sya rin ang magbibigay sayo ng go signal kung karapat dapat talagang tulungan..
Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista
magliham sa akin dito