Naglipana sa twitter
at facebook ang pangalang Christopher Lao...
Ang aking sasabihin ay sa tula ko padadaanin.
Huwag maging dayuhan sa iyong sarili
Hindi mo ba napupuna
na ikaw'y nalilinlang,
Sa maling panukala
na iyong napapakinggan?
Bawat linya'y suriin
at diwa'y palawigin,
Ang bugso ng damdamin
kaya palang pigilin.
Ilang ulit mo nang tinatanong sa sarili
ikaw nga ba itong sa salamin'y nagmumuni,
Dayuhan nga ba ako sa aking sarili
sa mga nais kong iminumungkahi?
Katahimikan'y bigyang daan
bigyang laya ang isipan,
At iyong masusumpungan
ang minimithing kapayapaan.
Kapayapaan sa iilan
hinahangad ng buong bayan,
Ngunit kung sa sarili ay dayuhan
Ito ang aking katanungan at dapat mong pag-isipan.
Sino ako, para sa iyo'y mangaral,
sa nababasa mong may halong dasal?
Sa kanilang nagpapakabanal
lumalabas ang tunay nilang asal.
Maaaring ikaw ngayon'y balisa,
sa kabi-kabilang balita
Lakasan ang iyong pananampalataya
sa Diyos Amang sa atin'y lumikha.

at facebook ang pangalang Christopher Lao...
Ang aking sasabihin ay sa tula ko padadaanin.
Huwag maging dayuhan sa iyong sarili
Hindi mo ba napupuna
na ikaw'y nalilinlang,
Sa maling panukala
na iyong napapakinggan?
Bawat linya'y suriin
at diwa'y palawigin,
Ang bugso ng damdamin
kaya palang pigilin.
Ilang ulit mo nang tinatanong sa sarili
ikaw nga ba itong sa salamin'y nagmumuni,
Dayuhan nga ba ako sa aking sarili
sa mga nais kong iminumungkahi?
Katahimikan'y bigyang daan
bigyang laya ang isipan,
At iyong masusumpungan
ang minimithing kapayapaan.
Kapayapaan sa iilan
hinahangad ng buong bayan,
Ngunit kung sa sarili ay dayuhan
Ito ang aking katanungan at dapat mong pag-isipan.
Sino ako, para sa iyo'y mangaral,
sa nababasa mong may halong dasal?
Sa kanilang nagpapakabanal
lumalabas ang tunay nilang asal.
Maaaring ikaw ngayon'y balisa,
sa kabi-kabilang balita
Lakasan ang iyong pananampalataya
sa Diyos Amang sa atin'y lumikha.






18 kumento:
kuya sino po si Christopher? di kasi ako nanonood ng tv eh...di me mahilig sa balita....kung ano man yun pinagdadaanan nya now sana malagpasan nya ito...
I think I remembered him and I remembered his exaggeration about the character of Filipinos. Tama din naman siya sa ibang obserbasyon niya pero di naman lahat ay tumpak.
Pero sa totoo lang, galing ng tula mo, at akoy hangang hanga dito.
hindi ko rin nababalitaan si Christopher Lao? pero kung sino man siya ay kailangan kong i research dahil sa maganda mong pangaral na tula para sa kanya.Nacurious tuloy ako.
Hahaha. Sino ba hindi makakaalala sakanya. Though naiintindihan ko ang point nya sa mga nasabi nya, naging arogante lang ang dating nya kaya parang sya pa ang napasama. Galing ng tula mo! :)
Tandang tanda ko pa..hehehe...mismong sya ang lumusong sa baha at lumutang ang kanyang minamanehong sasakyan. Kagaling naman nitong tulang ito. :)
Ayos na ayos ang tulang ito... kaso yung may ari ng kotse ang hindi ata ayos... Kung hindi sigurado sa gagawin ay magtanong tanong na muna.
wow galing ng tula.. to Mr. Lao - maraming napapasama sa maling AKALA.
Kapag may halong dasal
dyan ako makakapag-aral.
a good personality portrait you made.
Haha! I wonder if it's a Filipino thing to make fun of other people's mishap?
kinilabutan ako!! salamat sa tula mo.. ang ganda! sa buhay natin kailangan nating maging matapang at tanggapin ang ating mga limitasyon.. maraming pagsubok ang darating kailangan lang nating lakasan ang ating pananampalataya..
ang galing mo talaga! totoo may puntos ka! dakila ka! wagi!... wag sanang mag alaala.. dadating ang panahon makikilala mo din kung sino kang talaga :)
and hirap gumawa at sumulat ng Tagalog na poem ah. I congratulate you for this. hehe
Tama ka 'igan Kiko. 'wag natin tularan si Christopher Lao, na ang kanyang sarili ay 'di nya alam. May kapansanan si CL, 'di sya normal na tao. Gumagawa sya ng kanyang sariling multo. Ang totoong tao ay alam nya kung sa'n sya nanggaling, kung bakit nandito sya at saka kung sa'n sya pupunta. 'Yang ang totoo. Christopher Lao gumising ka, gumising ka sa katotohanan.
Wow galing naging tula pa si christopher lao
Ang aking masasabi,
Huwag mong itago ang iyong sarili.
Balutin mo man ng ginto't mamahaling damit,
Wala ka paring lusot.
Sabihin na nating kaya mong itago,
Ang iyong sarili sa ibang tao.
Pero kami hindi mo pwedeng malito.
Kaibigan magpakatotoo ka yan ang tandaan mo.
Si Chritopher Lao ay si Christopher Lao.
Ang totoo hindi ko siya kilala pero nabasa ko internet ang kanyang akda. At wala rin akong karapatan na husgahan siya. Kaibigan insipred ka ata sa kanya kasi nagawa ka ng napahusay na tula para sa kanya.
ang lakas makaimpluwensya ng iyung mga tula =) apir
sana hindi na lang kasi sya nagsalita, nakita naman nya na may tv crew
eh?
the fact na nakakita ka ng baha dapat matuto syang magkaroon gn doubt kung malalim man yun o hindi, hindi laht ng oras kailangan iinform ang isang bagay,
matutong magkusa
aun hehe
Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista
magliham sa akin dito