Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




Silip sa Diwata | maikling kwento sa anyong tula

Ang tulang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang, sadyang ginawa para paganahin ang inyong imahinasyon sa pamamagitan ng pagbabasa.



Diwata
hindi ako mapakali
sa dalagang nakita ko kagabi,
sulyap na singbilis ng tutubi
ala-ala ng bawat sandali.

buntong hininga ang sa akin'y lumabas
mukha ko'y naging maaliwalas,
kakaiba itong aking dinanas
tibok ng puso ko'y pagkalakas lakas.

hinabol ko siya ng tingin
siya namang lingon sa akin,
mata namin'y nagkita sa dilim
titig n'ya sa akin'y pagkalambing lambing.

mga paa ko'y aking hinakbang
papalapit sa kanyang kinaroroonan,
ngunit ano itong aking nararamdaman
tila ako'y kinikilabutan.

sa aking marahang paglapit
sapul ako sa ngiti nyang malagkit,
bakit unti-unti niyang hinubad ang damit
tanong sa sarili habang papalapit.

patakbo siyang umalis
tila nais na ako'y tumugis,
hinabol ko siya nang mabilis
hanggang makalag ang aking bigkis.

sa muog siya ay pumasok
ako naman'y napasubasob,
humanap ako't nagkubli
isiniksik ang aking sarili.

sa 'di kalayuan aking nakita
itong dalaga'y may kung anong ibinuka,
dagling liwanag ang sumukob sa kanya
ako'y lubhang natulala.

siya pala'y isang diwata
na nagkukubli sa katawang lupa,
kutis niya'y makinang na lana
mukha niya'y maamong talaga.

ako ay kagyat na lumisan
pagnanasa ko'y dagling naparam,
itong dalaga na aking sinundan
isa palang diwata at ako'y sinubukan lamang.



Share This Button

8 kumento:

sabi ni Eoz

Napakagandang likha... talagang gumana ang aking imahinasyon... galing galing...

sabi ni =supergulaman=

makata nga... mahusay...sana ako din makagawa...

kaso depende yun sa panahon o kapag may solar eclipse na...madalas kasi blanko ang kukote ko..yung parang timang lang..ganun ako... :D

sabi ni @kiko

Salamat pa pagbisita Eoz at =supergulaman=

ikaw naman superG, magaganda nga mga tula mo, at sana makapag Contribute ka para sa TKJ this month of August Hero | Bayani ang Theme, TKJ Superfriends are expecting you!

The kablogs Journal

sabi ni iya_khin

waaah kuya binitin ka! hahahah! kasi naman eh naghubad lang eh nalaglag kana..tsk tsk diwata pala...

lels kala ko kung ano ang ibinuka! erase-erase-erase

sabi ni @makatangkiko

@iya lels, nakita mo ung image? ung pakpak nya ung ibinuka
salamat sa dalaw.

sabi ni Anonymous

maganda mga kwento mo

sabi ni kiko

@ Anonymous salamat po, balik po kayo

sabi ni Anonymous

naks ang galing naman.keep it up....

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.