1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21
[Ikatlo sa Huling Limang Bahagi]

Josh: Tito Franz, tito Franz gising…
Franz: Huh!?
Josh: Nakatulog ka na d'yan. Nakapaligo na ako papasok na akooo.
Franz: Si-sige, magluluto lang ako ng almusal natin.
……
Naihatid na rin ni Franz si Josh sa school, habang pauwi naisipan niyang puntahan muli ang bahay ni Mang Poldo sa Kabihasnan
Ring Tone (Brad Pitt's Ringtone Ocean's 13)
Franz: Hello!? Bru Oh kumusta ka na?
Brenda: Hello Franz, ok lang, si Josh kausapin ko!?
Franz: Naku, nakapasok na sa school. Tawag ka na lang mamaya. May pupuntahan pa ako.
Brenda: Saan ka naman pupunta?
Franz: Sa Kabihasnan, doon sa bahay ni Mang Poldo.
Brenda: Ano naman gagawin mo doon sa kabihasnan!?
Franz: Naku, mahabang kwento bru, saka na lang pag may time ka to chat.
Brenda: Toh naman, sige naaaa! Chat na lang tayo mamaya pa naman ang pasok ko.
Franz: Sige, uwi na lang muna ako, tutal medyo malayo din ang kabihasnan.
Brenda: Ok, sige ingat ka ha, buzz mo lang ako kapag online ka na.
BUZZ!!!
franz hoy, alam ko online ka, naka invi ka lang, ano na kwento?
talaga toh, kararating ko lang
wala magpapagupit laaaang
Hoy, Francisco Molina, kilala kita
ok ok, may hinahanap kami tungkol sa pagkamatay ni Myra
anong sinabi mo? ano naman ang kaugnayan ng mama doon sa kabihasnan?
natatandaan mo 'ung matandang babae noong nanood tayo ng sine? One More Chance?
oh, 'yung siraulo?
siya ang nanay ni Mang Poldo
oh tapos?
siya si Herminia, sabi ng papa ni Myra,
Herminia, teka parang may kaibigan ang nanay kong Herminia ah
teka ano bang pangalan ng nanay mo?
Maria Teresa
naku naloko na
anoooo!?
hindi kaya siya ang Maria na sumulat kay aling Miniang at ang pumilas ng page 33 sa libro?
aba malay ko, basta ang alam ko may kilala akong Herminiang kaibigan ni nanay.
paano naman sila nagkakilala ng nanay mo aber?
dati po silang magkasama sa mansyon, sa mansyon sila nagtatrabaho noon, kasamahan niya sa bahay noon si nanay, teka nga bakit ba sila ung pinag-uusapan natin, ikaw 'tong gusto kong makausap
kausap mo na nga ako ano pa bang gusto mo? ano naman gusto mong malaman sa akin?
para kasing bigla nalang ang nangyari 'diba, namatay si myra, tapos para kang nawalang parang bula, lumitaw ka lang nung humingi ako sa'yo ng tulong kung pwedeng iwan sa'yo si Josh, ano ba nangyari?
wala naman, wala na yun tapos na 'yun, ang mahalaga masaya naman akong kasama si Josh
alam mo nagpapasalamat ako sayo, kaybuti buti mo sa akin
sooosssss
hindi nga,
adik, umayos ka
bakit kasi hindi mo ako niligawan noon Franz?
ano natorpe ka na naman!?
tumigil ka nga, sige na maglalaba pa ako
eh bakit ngayon hindi mo ako ligawan, patay na si Rich, patay na rin si Myra, libre na tayo
anodaw?
wala galit ako
eh kahit hindi naman kita ligawan alam ko namang sasagutin mo ako
yabang mo
oh diba tama ako!?
oo na
kaso nga, nandyan ka sa Qatar paano mo mararamdaman ang pagmamahal ko?
naks nakakakilig naman, i love you na talaga
asus, tama na yan at maglalaba pa ako
o sige basta tayo na ha, wag ka nang manliligaw ng iba pa dyan ha, promise?
Huy Franz, talaga toh
Oo hindi na ako manliligaw pero hindi tayo
drama mo
umuwi ka dito at pakakasalan kita
wow kakilig naman
teka langya kararating ko lang dito sa Qatar pauuwiin mo na agad ako!?
Oo kasi matatapos na ang love bus book 2 kelangan ang ending nasa pinas ka raw sabi ni kiko
huh!?





2 kumento:
hahaha... kailangan bang utusan.. hahaha
gusto ko tong part 22! xD patawa si Franz eh lol
Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista
magliham sa akin dito