sa aking pag-iisa at pangungulila
tila kalungkutan'y pang habambuhay na
sa bawat malungkot na balita
katumbas nito'y patak ng luha
nawa'y dinggin itong aking hiling
ngiti at saya, ako'y pahiramin
kahit sandali'y ako'y paligayahin
maibsan itong lungkot ng damdamin
atensyong iyong ibibigay
makakaalis ng aking lumbay
at sa sandaling tayo'y magkahiwalay
ang panahong iyong inialay
magiging ala-ala ko habambuhay
salamat sa pagbisita
kahit papaano'y nagkapanahon ka
hindi ka man magpakilala
ramdam ko ang iyong presensya.
© September 2011 www.kwentonikiko.com
tila kalungkutan'y pang habambuhay na
sa bawat malungkot na balita
katumbas nito'y patak ng luha
nawa'y dinggin itong aking hiling
ngiti at saya, ako'y pahiramin
kahit sandali'y ako'y paligayahin
maibsan itong lungkot ng damdamin
atensyong iyong ibibigay
makakaalis ng aking lumbay
at sa sandaling tayo'y magkahiwalay
ang panahong iyong inialay
magiging ala-ala ko habambuhay
salamat sa pagbisita
kahit papaano'y nagkapanahon ka
hindi ka man magpakilala
ramdam ko ang iyong presensya.
© September 2011 www.kwentonikiko.com





2 kumento:
sino kaya yan? emo kana din kuya nahawa kana sa akin!! hehe
ang gandang tula... palagi naman :)
magandang araw po sa inyo
Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista
magliham sa akin dito