Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




Tula ng Ano

Isang araw may hinahanap ako
at sa pag hahalungkat ko
Nakita ko ito, hanapin daw kay kiko
ang tula ng ano

Bigla akong napangiti
kahit minsan sa isip ay hindi sumagi
Tulang hindi kayang itanggi
sa isang naghahanap na binibini

Kaya't simulan mo nang basahin
ang inihanda kong sasabihin
Kahit hindi mo hilingin
para sa iyo'y aking gagawin

Mahirap intindihin ang saloobin
kapag ang sagot ay patanong din
Gaya ng taong ulo'y mainitin
marahan mong tanong...
Anoooooo???? ang sasagutin

Tinanong mo na nga
ibabalik din sa iyo ang salita
Hindi ba parang nakakairita
intindihan nalang siguro dahil bata

Bata nga ba o nag-iisip bata
sa mga kwentong ano ang simula

Ano eh, ano kasi 'yun
Si ano, 'ung ano namin
Ito kasi si ano nakaka ano
Anuhin ba naman ung ano

Nagsimula sa ano
natapos din sa ano
Kwentong nakakaloko
parang itong tula ko

Ayan siguro masaya ka na
dahil ginawan na kita ng tula
Tulang ginawa habang nakahiga
bye bye na at ako'y mag-aalmusal pa ng...

Ano, ummm ano nga ba tawag dun...
Ah basta ano 'un almusal 'yun...

Tapos nood tayo ng Ano…

'Ung ano…

ito oh…

[image courtesy of Movies Online.ca]



[image courtesy of IMDb.com]


Share This Button

8 kumento:

sabi ni ISTAMBAY

Ano daw?

ayan sir napatanong din ako ng ano..

magandang araw po..

sabi ni mommy-razz

ano? ganun ka simply? hehe!

sabi ni iya_khin

ano? minsan nakakairita talaga ang ANO na word! hehehe

sabi ni Aj Banda

ang nakaka-ano sa word na ano eh kahit di sabihin kung ano yung ano eh na-aano mo... lol

sabi ni Ishmael Fischer Ahab

Ano daw? :-P Naalala ko tuloy yung ano, na ginagamit sa kung anu-ano na naging pamalit sa kwan. Ano ba yung kwan? E di kwan yung ano.

sabi ni joy

ano nga ba ang dahilan at marami sa atin ang laging sambit ay ano, parang ako makakalimutin na kaya laging sambit - ano nga ba ang gagawin ko- ay yung ano ehehe

sabi ni Leah.

Haha.. ang ano daw? Wala bang tula ng yun? Yung yun po.. gets nyo po? Yung yun... Yun yun! hehehe.. Tsaka yung kwan.. ang tula ng kwan. haha!

sabi ni Tess Chancellor

Ano? Ang hirap nga magtanong ng ano.

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.