1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22
[Ikalawa sa Huling Limang Bahagi]

Hello, Cynthia, love, ready ka na ha, darating na ako jan in 20 minutes…
Yes, love, waiting na ako, nagbabasa lang…
---
Good morning love, mwaah (humalik si Josh kay Cynthia), ano tara na, alis na tayo?
Teka lang, tapusin ko na ito, last chapter na.
Ano ba 'yang binabasa mo?, tanong ni Josh.
Love Bus po.
Ah, travel book?
Ahaha, hindi noh, love story, about true friendship at endless love. Haysss may mga ganun pa palang lalaki at babae sa mundo.
Bakit naman?
Natuwa ako sa friendship at love story nila Franz at Brenda.
Patingin nga, akin na nga yan, may kilala akong Franz at Brenda.
Eh diba si Tita, —Brenda ang pangalan?
Oo, patingin nga at mabasa.
Hay naku, umalis na tayo, baka kanina pa nag-aantay si Tita sa airport.
Sige na nga, teka saan mo nabili yang librong yan love?
Nagkalat kaya sa bookstore yan, Best Seller na, naging Story of the Month pa sa National Bookstore. Pwede ka ring umorder sa Amazon Online.
Ok yan ah, mabasa nga.
---
Oh narinig mo 'yun, nandyan na ang airplane, dumating na si Tita Brenda.
(nag park sila sa loob ng Ninoy Aquino International Airport at naglakad patungo sa waiting area para abangan si Brenda, mahigit sampung taon ding namalagi si Brenda sa bansang Qatar, lumaki na ng tuluyan si Josh at mayroon na itong kasintahan, si Cynthia)
Mama, kaway ni Josh kay Brenda pagkakita nito sa ina, patakbong yumakap sila sa isa't isa, ipinakilala ng personal ni Josh si Cynthia sa ina.
Tara ma, (kinuha ang trolly at itinulak ito papalapit sa kinaroroonan ng kanilang sasakyan)
Kumusta po tita Bren?
Ok naman, medyo pagod sa haba ng byahe pero kaya pa hehehe...
Mama, sakay ka na, ako na ang maglalagay ng mga ito sa likod.
Pinaandar na ni Josh ang sasakyan, tahimik ang bawat isa at nakikiramdam.
Mama, saan mo gustong pumunta?
Kain muna tayo doon sa Dampa, na miss ko kumain doon.
Oo nga po tita, ako din, paborito kong kainin doon ung Buttered Shrimp tapos Sinigang na Maya Maya, hmmm sarap.
Mama, kumusta naman ang byahe mo?
Natagalan ako, 'ung binili kong tiket eh connecting flight sa Abu Dhabi, waiting ako for 8 hours tapos another 8 hours na byahe.
Mama, baba na kayo ihanap ko lang ng parking ito, susunod na lang ako sa inyo, order nyo ako ng favorite ko ha, Inihaw na Baboy at Grilled Tahong.
(habang kumakain, may katahimikan ang kalooban ni Brenda, tila ba may kulang, wala ang sigla sa kanyang pagbabalik mula sa Qatar, siguro nga dahil sa tagal ng panahon, nanibago na siya, o mayroon pang ibang dahilan)
Josh, mamaya pagkakain dalawin natin si Tita Myra mo ha?
Sige ma.
Alam mo tita, palagi kaming pumupunta doon kay Ninang Myra, ewan ko dito kay Josh kung bakit.
Love, hindi lang naman si Ninang ang nakalibing doon, pati si Tito Franz, siya kaya ang nag-alaga at nagpalaki sa akin, nakakalungkot isipin na ginawa niya iyong mga bagay na iyon para lang sa kinabukasan ko.
Aksidente ang nangyari Cynthia hindi sinasadya ni Franz ang nangyari, masakit din para sa akin ang pagkawala niya.
---
Unti unti nang pumatak ang luha ni Brenda habang papalapit na sila sa libingan nina Myra at Franz, tila parang ang bigat ng kanyang mga paa para humakbang ngunit pinilit pa rin niya ang sarili upang kahit minsan pa ay masilayan niya ang libingan ng mag-asawa, at paglapit ay hindi na napigilang humagulgol ng iyak si Brenda, marahang hinagod ni Josh ang likod ng kanyang ina upang tumahan ito, ngunit pari rin si Josh unti unti na ring umiyak…
Nagbalik sa kanyang mga ala-ala ang mga panahong pinagsamahan nila ni tito Franz…
Walang imik si Cynthia, gusto niyang tanungin kung ano nga ba ang ikinamatay ni tito Franz, gusto niyang malaman ang lahat, ang buong detalye…





5 kumento:
hala as in matatapos na?
oo tukayo, matatapos na, nakakalungkot namatay si Franz :(
sad naman...ending na po ba 'to kuya?!
hindi pa iyah, meron pan last part…
hindi ko na po maview ung last part.. so sad.. =( hindi na ako nakikinig sa trainor ko mabasa lang tong blog mo.. hehe.. :)
Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista
magliham sa akin dito