Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




Tula: Sa Anak Kong Pasaway

Kontactr : Hello Makatang Kiko,

Masyadong puro pag-ibig ang mga tula mo, pwede mo ba akong gawan ng tula para sa aking anak na lalaki, na nanganganib na maging alam mo na, gandahan mo ha!

Salamat in advance.


Sa Anak Kong Pasaway

Sa anak kong pasaway,
Na laging wala sa bahay;
Kung 'di laman ng kapit-bahay,
Nasa kanto at palaging tambay.

Sa anak kong pasaway,
Iyong ama'y nalulumbay;
Kailan ka titigil ng bahay?
Ang iyong ina ay nag-aantay.

Sa anak kong pasaway,
Na palaging matamlay;
Hindi mahilig sa pagkaing gulay,
Pati sa pagkain ay pasaway.

Sa anak kong pasaway,
Sa Computer naglalamay;
Sa DOTA madaming kaaway,
Natutuyot na pati ang laway.

Sa anak kong pasaway,
Na ang text ay panay-panay;
Sa mga dabarkads ay nakikisabay,
Sa mga usaping mahalay.

Sa anak kong pasaway,
Na panay ang sagot sa nanay;
Naturingan pa namang panganay,
Kailan ka pa nagkaroon ng sungay?

Sa anak kong pasaway,
Na walang alam sa buhay;
Maski damit hindi marunong magsampay,
Hindi naman ganyan ang iyong tatay.

Sa anak kong pasaway,
Na hindi marunong magbigay;
Makasariling tunay,
Kailan tutuwid ang iyong buhay?

Sa anak kong pasaway,
Pati kuko'y nilagyan ng kulay;
Hikaw sa taenga ay inilagay,
At buhok ay panay ang suklay.

Sa anak kong pasaway,
Dating Boy ngayon'y Inday;
Mag-isip ka nga ng mahusay,
Baka ikaw ay ibaon ko sa hukay.

Sa anak kong pasaway,
Puso ko'y para mong pinatay;
Sa sama ng loob na iyong ibinigay,
Luha ko ngayon'y walang humpay.

Dear _____,

Sana ay nagustuhan mo ang ginawa kong tula para sa iyo at sa anak mo.
- Kiko



Share This Button

11 kumento:

sabi ni Semidoppel

Hahah ang ganda nung tula...haha may counterpart sana ako jan kaso anak na responsable naman ung version

sabi ni kiko

salamat sa pagbisita sir Semi! antayin ko ang blogpost mo :)

sabi ni tatess

may sinusulat din nga ako about pasaway.wait mo rin .baka bukas or mamayang gabi ko i post.

sabi ni Anonymous

hello po kiko nais ko sanang gawan mo ko ng tula tungkol sa pinakamamahal kung asawa n si marvin de gracia sana maipost nyo po wait ko po.salamat................

sabi ni kiko

salamat sa pagbisita mami tatess!

dear anonymous nais kong gawan ng tula si Marvin de Gracia ngunit kailangan ko po ng karagdagang kaalaman tungkol sa kanya, maaari po kayong magliham sa akin DITO salamat!

sabi ni Anonymous

hi sir kiko. ako po si TOPE, ganda nmn ng mga gawa mo, anyway isa lang naman po layunin ko dito sir,, isa po akong ama ng dalawa kong anak na babae, gusto ko po sana ng isang tula para sa aking malapit ng lumabas na anak. yung meron pong konting sorry dahil sa mga kakulangan, halimbawa ung tipong minsan hindi po kami mkpgpacheck up ng mommy niya. minsan naman kulang sa pera kaya hindi mkbili ng vitamins ng mommy nia,,, alam ko po nagets nyo un, hindi pa masyado ready sa mga gamit nya sa kanyang paglabas, but in the end ee hindi nmn sya salat sa pagmamahal ng kanyan mga magulang... alam ko napakadali lang sayo nyan sir KIKO,,, thanks!

sabi ni Anonymous

hindi nagcomment si SIR KIKO sa akin... mukang hindi type ang request ko hindi sya nag post,,, hehehe,,, cge nnmn sir kiko,,, ?_? TOPE

sabi ni kiko

hi, TOPE, kasalukuyan kong ginagawa ang iyong, tula, salamat sa pagbisita

sabi ni Anonymous

excited na ako sir^^ hihi^^ TOPE,

sabi ni kiko

dear tope ito na ang tula Sa Anak Kong Sinisinta sana magustuhan mo

sabi ni Anonymous

Kakatuwa naman ang tulang ito ^_^.. naging Inday si Boy at the end.. parang gusto ko ding gumawa ng tula related sa Anak na Pasaway :))

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.