Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




Tula: Sa Munting Silid ng Pangarap

marami ang nangahas pumasok
sa munting silid ng pangarap

halimuyak na hatid

walang ibang kapalit

kaligayahang dulot

ng ulos sa munting silid

pangarap na minsan'y sumaisip

kailan mararating?

ang rurok na hinihiling

pangarap na lang ba

tuwing sa silid tayo nagkikita?

sa bawat impit at halinghing

ligayang walang maihahambing

sa isang munting silid ng pangarap

pag-aalinlangan ay napaparam

sa ritmo ng iyong balakang

sumasabay sa tunog ng kawalan

sa bawat buhos ng tubig

kasabay ng tibok ng dibdib

damhin mo ang aking pag-ibig

lasapin ang bawat pintig

sa iyong pagpikit

muling aayain sa munting silid

sa silid na pinapangarap marating

upang pag-ibig natin

ay minsan pang abutin



Share This Button

7 kumento:

sabi ni empi

astig!

sabi ni kiko

salamat sa pagbisita empi

sabi ni kamil

walang kupas pa rin sa pagtula kuya kiko!!

sabi ni iya_khin

Silid ng pag ibig kelan kaya kita uli makakapiling?

sabi ni mommy-razz

wow! ang bilis kong makapasok dto ah.. haha! very nice kiko.. gandang tula, matagal na palang tula ito.. wow the music background :)

sabi ni kiko :(|)

salamat sa pagbisita mommy :) para sayo kaya binilisan ko ! naks

sabi ni Anonymous

lumiyad sa nais, lamig ginahis
sabay bumalisbis, luhang malinis
sa rurok ng pag-ibig ungol kininis
bumaon sa likod, ang sarap at tamis

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.