1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23

Miss, please fasten your seatbelt we're going to land in a few minutes, sabi ng cabin crew, naalimpungatan si Brenda.
Ano toh!? Tanong niya sa sarili, panaginip lang ba 'yun kanina?
---
Hindi pa rin makapaniwala si Brenda hanggang sa bumaba siya ng eroplano at maglakad patungo sa baggage counter upang kuhanin ang mga dala niya.
Parang totoong totoo ang mga pangyayari? Pero hindi, dahil kahapon lang ay kausap pa niya si Franz at sinabing siya ang susundo sa kanya.
Matapos magpacheck-out ng baggage si Brenda ay dali dali siyang lumabas para hanapin si Franz.
Nagkatapat ang mga mata nila Franz sa sandaling 'yun at tumakbo siyang payakap kay Franz na ikinagulat naman nito.
Franz, huwag kang mawawala sa akin ha, tumulo ang luha ni Brenda habang mahigpit ang pagkakayap niya kay Franz.
Bakit mo naman nasabi 'yan bru?
Ah basta, promise, hindi na ako babalik ng Qatar, dito na lang ako, ayaw kong magkahiwalay pa tayo.
Drama mo bru, tara na doon sa kotse.
Aba, bongga! Sabay pahid ng luha ni Brenda at ngumiti sa nakita niyang Honda CRV na binuksan ni Franz. Bagong bago ah.
Ahaha, rental lang 'yan, hindi kasi pwede ang kotse ko, alam kong madami kang dalang gamit.
Asus, char, rental ba 'yan eh, may picture ni Josh sa loob? Pahumble ka pa.
Bakit ang drama mo kanina? Tanong ni Franz.
Eh kasi nanaginip ako kanina sa eroplano, namatay ka raw at sina Josh at Cynthia ang sumundo sa akin.
Cynthia? Tanong ni Franz.
Oo Cynthia ang Gf ni Josh.
Si Josh may GF? Hahaha, eh dose anyos pa lang ang anak mo.
Ganon!? Ibig mong sabihin premonition ung panaginip ko? Dapat nga siguro hindi na ako bumalik ng Qatar.
Ano bang pinagsasabi mo, ang kelangan nating asikasuhin ngayong pag-uwi mo ay mahanap natin ang libro, remember?
Ay oo nga, sige maghalungkat tayo doon sa bahay.
[Sa bahay ni Brenda]
Alam ko dito ko nilagay ung mga naiwan ni inay.
So! totoo ngang ang nanay mo ang Maria na sumulat kay Herminia?
Hindi ako sure, malalaman natin, kapag nakita natin ang librong hinahanap natin dito sa gamit ni nanay.
Halos ilang minuto lang at nakita na ni Brenda ang libro.
Oh ito ba ang hinahanap mo?
Tignan mo nga kung may page 33? tanong ni Franz,
Oh wala, diba sabi mo nasa iyo ang page 33 nakalagay sa sulat ni Inay?
Iniabot kay Franz ang libro.
Sinipat na maigi ni Franz at Binasa ang pabalat. -
An librong ito na iuong tangan
pacamajalin at pacaingatan
an susi ng capangiarijan
i nagmumula sa caalaman
lauacan an icipan
at casagutan i macacamtan
at saka kinuha ni Franz ang pilas ng pahina 33 sa kanyang bulsa
Oh ito, inilapat ni Franz sa napunit na pahina at saka binasa,
Pajinang ito capag iuong pinilas,
sumpa ng nacaraan i mababalictad
cia na manganganak an ciang magjijirap
camataian naman sa asaoa
ng librong may tangan
anapin an libro at sunugin sa apoy
upang sumpa ng kajapon i indi magtuloi
malalabanan an sumpa
capag sinunog itong pajinang casama.
At inilipat sa pahina 34 at binasa
Sunugin an librong ito sa lalagiang bacal
at ang abo i daljin sa lugal ng akin pagsilang
Isaboy sa malauac na caragatan
An Pag-ibig na minsang cinatacutan
Dahil sa sumpang macapangiarijan
An naudlot na pagmamahalan
Muling bigiang laya, kamai nia i hauacan.
___
Pagkalipas ng ilang araw ay nagpunta sila Franz at Brenda sa Batangas upang sunugin ang libro at isaboy sa karagatan ang abo…
Brenda: Franz, noong nasa Qatar ba ako, palagi mo ba akong iniisip?
Franz: Bru, sa bawat sandali, ikaw ang laging nasa isip ko…
at pagtanaw sa kalawakan ng karagatan ay naghawak ang kanilang mga kamay…
Salamat po sa inyo na sumubaybay sa Kwento ng pag-ibig ni Brenda. Sana po ay nabigyan ko kayo ng kakaibang ngiti at saya mula pa sa unang aklat.
Hiling ko po sa inyo na tulungan ako sa panalangin upang maisakatuparan ang pagpapalimbag ng unang aklat.
Minsan may pag-ibig na nabuo, kaya lang hindi nagkatotoo.
Minsan nanaginip ka ng masaya, hindi naman pala.
Minsan mayroon kang minahal,
Inaya mong pakasal, 'yun pala kukunin lang ng maykapal.
Minsan sa iyong paglalakad,
Makakasalubong mo ang babaeng iyong hinahangad
Hindi mo papansinin, pagkakataon ay palalampasin…
~Makatang Kiko





1 kumento:
grrrr... hahah taas ng story pero hmmm kilig...
Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista
magliham sa akin dito