Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




mga halimbawa ng maikling tula

at dahil naghahanap kayo ng maikling tula at mga maikling kasabihan,
tunghayan po sa ibaba…

paunawa ang lahat ng mababasa ninyo ay orihinal na katha ni Kiko
at naipost sa kanyang Facebook Page Mga Kathang Isip ni Kiko

Hindi lahat ng Makata ay magaling gumawa ng tula
At hindi lahat ng magaling gumawa ng tula ay Makata
Ang mahalaga ay napasaya nila
Ang kanilang mambabasa.

PAG-IBIG
simpleng salita na pinagdudugtong ng maliit na linya
minsan inaabuso at hinahaluan ng pagnanasa.


Hindi mo na kailangang sabihin
Damdamin mo'y nararamdaman ko rin
Pag-ibig sa isa't isa'y palawigin
Pagmamahalan'y pagsaluhan natin.


Pag-ibig ko sa iyo'y,
'sing asim ng sinigang;
Swabe ang timpla,
Pasok sa iyong panlasa;
'pag iyong natikman,
Siguradong babalik balikan.


Huwag mo na akong piliting umawit
Dahil wala akong isasambit
Kundi ang pag-ibig kong walang kapalit
Kaligayahang abot hanggang langit.


Pag-ibig ko'y iyong damhin
Ikaw'y aking aakapin
At ibubulong ang nais dinggin
Mahal kita, uulit ulitin.

Saka idadampi itong labi
Sa iyong mapulang pisngi
Dadamhin nang nakapikit
Hanggang sa bibig natin'y maglapit.

Huwag na sana akong magising
Sarap ng halik mo'y gusto kong lasapin
Hayaan ako sa pagkakahimbing
Bigyang laya itong damdamin.


Maghunos dili kayo mga kaibigan
Relihiyon ay hindi dapat pagtalunan
Pag-ibig sana sa atin ay mamagitan
'Pagkat iyan ang Kanyang Kalooban.

Huwag po nating kalimutan sana
Ang ugaling pagpapakumbaba
Ito ang magbubukas ng iyong diwa
Magiging tanglaw ng iyong kaluluwa.

At kung sakaling iba ng iyong paniniwala
Ang tula kong ito'y taliwas sa iyong akala
Hindi kita pipiliting maniwala
Igagalang ko ang iyong panukala.

Ito lamang ang ating tandaan
Huwag sana nating kalilimutan
Pag-ibig na itinuro ng ating sinapiang samahan
Maging tanglaw sa ating mga pananambitan.


Kahit na ano ang iyong isipin
Kahit na ano pa ang iyong kantahin
Ikaw pa rin ang laman nitong damdamin
Ikaw lang ang tanging mamahalin.

Tibok ng puso ko'y iyong dinggin
Walang ibang nais sambitin
Pagmamahal ko'y hindi ka mabibitin
Pag-ibig ko sa'yo'y lulubos lubusin.


Ang pag-ibig parang Bowling Game
Minsan Strike, minsan Spare
Minsan naka- kanal
Kapag nakakasakal.


Salamat sa pagpapatibok ng aking puso
Salamat sa tunay na pag-ibig mo
Mula pa noong magkasintahan tayo
Hanggang sa pinakasalan mo ako
Pag-ibig mo'y walang pagbabago
Mahal na mahal kita! Kaibigan at asawa ko!


Bakit mo pagseselosan
Itong aking kaibigan
Kung siya naman ang dahilan
Ng aking kaligayahan.

Kaysa naman sa iyong makasariling paraan
Puro pag-iimbot at kasuwapangan
Palagi na lang away at tampuhan
Pag-ibig na walang kwentang ipaglaban.


May Pag-ibig bang nagsimula sa wala?
Wala naman 'di po ba?
May mga nagsimula sa unang pagkikita
May mga nahumaling sa magandang dalaga
May mga nahulog sa boses na maganda
At mayroon namang suki ng Tindera.


Pag-ibig kapag iyong pinairal
Tutulungan ka ng Poong Maykapal
Asahan mong walang magiging sagabal
Bastat samahan mo ng dasal.


At kung dumating ang panahon
Dakilang pag-ibig galing sa kahapon
Ang paniwalaan mo ay ang ngayon
Dahil ikaw ang pinili ko hanggang sa habang panahon.


Sawing pag-ibig
parang singaw ng bibig
bunga ng maling init
laman ay nangangalit
Sa kalauman'y
'pag isip ay 'di ginamit
mauuwi lamang sa sakit ng dibdib.

MAHAL
Sumama ka sa akin mahal ko
Sa tuktok ng bundok pupunta tayo
At doon ipagsisigawan ko
Upang marinig ng buong mundo
Na MAHAL NA MAHAL KITA irog ko.


Inay salamat po sa pagmamahal
At sa walang sawang pagdarasal

Malayo man kami sa iyong piling
Hindi ka nawawala sa aming isipin

Kami ngayon ay dumadalangin
Sa Diyos Amang mahabagin

Mga kahilingan mo'y Kanyang dinggin
Nang guminhawa ang 'yong damdamin


Hindi ko kailangang ipagsigawan sa buong Mundo
Na ikaw lang ang MAHAL ko
Mas mabuting ipadama ko ito sa'yo
Nang hindi ako magmukhang palalo.


Mahal kita
Mahal mo siya
Naiintindihan ko
Dahil Nanay mo siya

Ngunit huwag mo ring kalilimutan sana
Na may nagmamahal kang asawa.


Iniibig kita
Paniwalaan mo sana
Sasaluhin ko ang lahat ng bala
Na ipuputok ng iyong mahal na ama.

Baka sakaling pigilin mo siya
At sa akin ay maniwala
Sa pagmamahal kong walang kapara
Asahan mong hinding hindi ka luluha.


Mga ngiti sa iyong labi
Nagbibigay sigla sa aking hikbi
Pagmamahal ko'y mananatili
Iibigin kita sa bawat sandali.


Ang ating pagmamahalan
ay parang dalampasigan
pagsikat ng araw sa karagatan
ganda nito'y wangis mo hirang.

BUHAY
ang BUHAY ay masaya kung…

Breakfast ko tuwing
Umaga ay
Halik
At
Yakap mo sa tuwina!


Ang buhay ay bigay ng Maykapal
Kahit na yurakan ng iba ang iyong dangal
Mananatili kang sa Diyos ay sakdal
Kaya't huwag bibitaw sa pagdarasal.

Dahil nasa Kanya
Ang tunay mong dangal
Walang dungis walang bahid
Kung ikaw'y magpapakabanal.


Burahin mo man ako sa friendslist mo
At i-Block ang friend request ko
Mananatili ka sa wishlist ko
Sa panaginip magkikita pa rin tayo
Dahil ikaw ang buhay ko…


Hindi mo na kailangang umakyat sa entablado
Upang makita ang kagandahan mo ng buong mundo
Sa pagmamahal mo lang kuntento na ako
Dahil ikaw ang Miss Universe ng buhay ko.

IKAW AT AKO, ATBP (at iba pa)
Kailan ba nagsimula ang salitang tayo?
'Diba noong magkakilala ang ikaw at ako?
Kaya sa relasyon nating ito
Sana ay magbigayan tayo.


Mga sinasabi ko raw ay puro kalokohan
Magaling daw ako sa pakikipagbolahan
Hindi kita pipiliting ako'y paniwalaan
Awit ko na lang siguro ang iyong pakinggan
Upang Ikaw at ako ay magkatuluyan.


Kailan mauunawaan ang mga bagay sa kasalukuyan
Kailan lilinaw ang mga bunga ng nakaraan
Kailangan bang simulang muli ang naumpisahan
O ipagpatuloy ang kinagisnang kinagawian?


Hindi lahat ng nakangiti masaya
At hindi lahat ng masaya walang problema
Mas pinili nilang ngumiti at maging masaya
Dahil pagpapa picture na pala!
Say Cheeese!

© November 2011 Mga Kwento ni Kiko

Tulungan mo ang kapwa estudyante mo, google +1 mo lang sa ibaba para
mahanap din nila ito sa google, Salamat.

Share This Button

19 kumento:

sabi ni chrisair

mukhang in love ka ah, halata sa mga tula mo eh

by the way pa link exchange po
http://www.fromwalatookay.info/
http://raketermama.blogspot.com/

sabi ni Morion

Matagal q na gusto gumawa ng tagalog blog to post my literary works in tagalog,,, galing nito,,, www.morionworld.blogspot.com

sabi ni Camz

Katuwa naman tong blog mo. :) Gumagawa din ng tula yung bf ko. Pero english naman yung sa kanya.

sabi ni micheatsandshops

Yikee! In love talaga! :D Haha eto link ko: micheatsandshops.wordpress.com

Kitakits!

sabi ni LordCM

kahaba eh! hahaha, di ako makagawa ng ganito kahabang tula, siguro kapag depress or masyadong inlove gaya mo, pwede pa :D

sabi ni Noel Dela Cena

ganda naman ng tula here pa Alamat ng plantsa http://patrickdelacena.blogspot.com/2011/04/ang-alamat-ng-plantsa.html baka gusto nyo ring basahin. www.oninsperspective.com

sabi ni LordCM

ay! maikli pala, pinagsama sama lang :))

sabi ni Aaron Kelly

As translated by a friend, the poem is really impressive.. Good job dude :D

sabi ni Herbert

Gusto ko yung panghuling tula... pinapakita talaga ang likas na pgka masayahin nating mga pinoy :D

sabi ni joy

Hello Kiko :) ang galing naman talaga! yun second to the last ang pinaka-gusto ko, very timely at malaman

sabi ni Eoz

Sarap talga magbasa ng mga tagalog na tula, tagos sa puso!!

http://www.blogeoz.info/

sabi ni kiko

na-add ko na po kayong lahat…
@Camz mayroon din akong English Blog on Poetry click here

@Aaron Kelly Thanks for dropping by!

sabi ni myrnz

napakaganda ng mga tula mo... galing! napasaya mo ako sa pagbasa ko ng mga tula tungkol sa buhay, sa pag ibig...naalala ko ang mga ginawa kong tula noon... :)

check this out, about life, and hinihiwalay ko ang mga poems&music, atbp ! :)
thanks in advance!
http://enjoyingwonderfulworld.blogspot.com/
http://poemsandmusicoflife.blogspot.com/
http://inspirationalthoughtsandwisdom.blogspot.com/

sabi ni kiko

@myrnz salamat! added na po!

sabi ni KikomaxXx

buti pa ang post na ito... hahahah

sabi ni rc gweniful

nice...refreshing to read Filipino words once again...

sabi ni rom salvar

hindi lahat ng nag-iibigan ay masaya
hindi lahat ng nagkakasama'y malaya
ngunit kong sa blog ko ika'y dadako't aawit
tiyak kaligayahan ko'y abot hanggang langit.

http://thehandrawn.blogspot.com/

sabi ni lalalaPatricia

Napapaisip ako kung saan at papaano ka nakakapagisip ng mga ganyan? Ilang araw mo to nagawa ang ung ibang tula mo? Anong inspirasyon mo? Good job! :)

sabi ni Traveliztera

Dapat nakita ko na tong blog na toh nung highschool pa ako haha! Daming tula na pwedeng ishare sa class!

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.