Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




Prose: Ako'y Isang Simpleng Blogista Bow!


ako'y isang simpleng blogista na tumitipa ng iba't ibang letra
para sa dagdag kaalaman nitong mga kabataang mambabasa
hindi ako kasingsikat ng iba na dinadalaw ng sangkatutak na blogista
na ang kumento'y sangkaterba, dahil hindi naman nila ako kilala

ngunit alam nyo ba talaga ang nararamdaman ko?
kapag nag comment ka sa blog post ko?
ngiti sa labi ko'y abot hanggang taenga

itong puso ko'y nag-uumapaw sa saya
na kahit hindi pa tayo nagkikita
ako ay iyong lubos na pinasigla
at tunay na binigyang halaga

kahit na ang iba'y nananatili na lang sa pagbasa
at hindi talaga mahilig magkumento
wala naman akong magagawa
alangan namang mamilit ako

ang mahalaga sa akin ay nakapag-iwan ako ng ala-ala
na minsan sa pagdalaw nila dito sa aking bahay
umalis sila ng may dalang ngiti
at saya na nanggaling sa isang simpleng blogista

nakakalungkot lang talaga
ang iyong inaakalang malapit sa puso
hindi rin pala magkukumento
kahit pa sabihin pang kakilala mo
walang pakialam sa blogpost mo

eh kasi nga simple lang ako
hindi kasing sikat ng matagal na dito

click here to comment… for bloggers

Share This Button

13 kumento:

sabi ni Joy

bato-bato sa langit, tamaan ay wag magalit
sa mundo ng mga bloggista aking lamang napansin
merong ilang mga sikat na ang tayog lumipad
subukan mong magkomento at ni hindi ka man lang mapasalamatan
yaong mga kaibigan lamang nya ang kanyang pinaroroonan.
kasikatan ay hindi permanente sa ano mang larangan
nalalaos din balang araw, pagsapit ng takdang panahon kanila rin namang mababanaag, kamalian nila sa kanilang pagmatataas.

sabi ni kiko

Salamat po sa pagbisita mamiJoy, maganda po ang inyong ginawang thread sa Filipino Bloggers Worldwide

sabi ni Joy

My pleasure Kiko :)
experimetal stage pa lang natin yan Kiko, meron din kasing mga sumali na di pa nagco-comment sa lahat ng participants, wait muna natin baka busy pa sila hehe

sabi ni Rocky Batumbakal

mula ngayon mas dadalasan ko na ang pag-comment bilang paghanga na rin sa mga underrated bloggers.

sabi ni ChrisAir

ang galing okay na okay itung iyong isinulat.

sabi ni Jenn

Tunay na nakatutuwa kapag nakatatanggap ng komento sa blog. Maraming salamat sa pag-follow ng blog ko, ako ay isa na rin sa mga followers mo ngayon. :)

sabi ni nieco_speaks

mag co-comment ako para may ngiti sa labi mo. ehehe :)

sabi ni iya_khin

Sikat ka po akala mo lang hindi! :) hugzzz po sayo!!

sabi ni kamil

hahahahha oo nga sikat ka hindi mo lang alam.. huwehehehe nanggagaya ng comment... balagtas makatula!

sabi ni Pinaywriter

Saap! I haven't read one of your stuff in a while sorry been super beezee!~

sabi ni ka bute

at may mga comments din na walang sense. tulad nito. hahaha. :)

p.s. salamat din sa pagcomment.

sabi ni KikomaxXx

NIce... hahaha

sabi ni Ishmael Fischer Ahab

Ikaw nga ay simpleng blogista lamang. ^_^ Cheers!

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.