Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Spoliarium - tula, pinta at kantaSPOLIARIVM




Sampung Minuto bago mag Pasko - Station ID

Aw aw aw, malakas na kahol ni Douglas habang papalapit sa paanan ni tatay, tila malungkot din ang pakiramdam niya dahil sa katamlayan ni tatay, bakit nga ba matamlay si tatay??

Sampung minuto na lamang bago mag Pasko, ni ha ni ho, wala man lang dumarating na anak niya kahit isa.

Mula sa bintana ay naupo si tatay habang nagsisindi ng sigarilyo at sabay buntong hininga, kung tutuusin madami siyang anak at apo, pero nasaan silang lahat?

"Tila nakalimutan na nila ako", nasabi niya sa sarili.

"Meron nga akong cellphone pero wala namang sumasagot sa tawag ko, ni mag text wala", sabi pa sa sarili.

Buntong hininga sabay hitit ng sigarilyo.

Salamat Douglas at kasama kita ngayong Pasko, kahit na tayong dalawa na lang dito, pipilitin kong maging masaya.

"Aw aw aw", tila naintindihan ni Douglas ang sinabi ni tatay.


Hitit buga ng usok ng sigarilyo, tingin sa orasan sa may pader, pitong minuto pa, buntung hininga.



"Minsan nakakalungkot talaga ang mag-isa sa panahong nakasanayan mo na tuwing may mga pagsasalong ganito", nasabi ni tatay kay Douglas habang hinihimas nito ang malagong balahibo sa ulo.




Limang Minuto na lang…

Unti-unting pumatak ang luha ni tatay, damang dama ko ang kanyang kalungkutan…


"Oh pano, Douglas, matulog na tayo, wala na sigurong darating".

"Maligayang Pasko Douglas!"

"Aw aw aw!"

Pinatay na ni tatay ang ilaw ng bahay.

At nagliwanag ang paligid sa kislap ng Christmas Lights.

Christmas Light Station ID


Christmas Lights na magbibigay liwanag sa kalungkutan mong nadarama tuwing sasapit ang pasko, sa bawat kutitap nito at iba't ibang kulay, makapapawi ng iyong lumbay!






Cut!

Clap clap!

Yehey galing ni tatay!

Tay! Congrats galing mo umarte! Direct! Ok na ba!?

Ok, na okay!

Oh si Douglas oh! Galing din umarte ni Douglas oh, come, come!

Sa palagay mo, ok itong segment ng station ID natin!?

Ok na Ok!

Ok Guys pack-up na!

Merry Christmas!

© November 2011 www.kwentonikiko.com

Share This Button

5 kumento:

sabi ni KikomaxXx

hahaha nice... it's always good to celebrate christmas talaga with your family :)

sabi ni kiko

waaaaaaahhh makakauwi din ako ng pasko…

sabi ni Ads

Iba talaga ang pasko sa Pinas. Gatherings, reunions, parties. Ito na fiesta ng mga fiesta! Kaya marami sa ating mga OFWs ang gustong umuwi 'pag panahon ng Pasko.

'Yung tatay ko na 15 years nag-work sa Saudi isang beses lang namin nakasama ng Pasko. Laging summer kung dumating. Masmagastos daw kasi pag Pasko siya umuuwi.

sabi ni kiko

kuya Ads, sana nga makauwi ako ng pasko sa susunod na taon…

Salamat sa inyo ni tukayo!

sabi ni mommy-razz

nalungkot ako pero acting lang pala.. hehe! nice..

Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista

magliham sa akin dito

free web site traffic and promotion
Submit your 
content Every Day to 25 social 
bookmarking sites, all on unique 
C class IPs... FREE.