
The Annual Kalsada Blog Awards or TABA sa pangunguna ng kaibigang blogger na si Zyra. Ano at bakit nga ba TABA? Ayon sa official blogpost:
The Annual (KALSADA) Blog Awards. Trip lang ‘to na medyo seryoso. Seryoso kasi may premyo. Ang premyo: badge, “Ang Pera na Hindi Bitin” book at bragging rights. Nagsimula ito nang manalo ako ng Kalabasa Award noong SBA 2010. Bilang ganti, naisipan kong kilalanin ang mga BLOGGER na karapatdapat tumanggap at umani ng ating masigabong palakpakan. Kumbaga sa pag-aaral – ito na ang RECOGNITION DAY.
Bakit Kalsada?
Dahil sa kalsada ka nag-aabang ng masasakyan. Pinipili mo ng todo ang aangkasan mong makina.
Bus. Van. Jeep. Jeep na stainless. Jeep na puro stain. Taxi. Dilaw. Puti.
Ikaw ang pumipili — ayon sa kung ano ang tingin mo ay maganda.
KArangalan – pagkilala sa mahuhusay na KAtropa at KAibigang blogger. Walang judges na bigatin. Blogger’s at Reader’s Choice lahat ng award.
Lakas — ng dating ng isang blogger. Mas masaya ang blogger kung maraming nagbabasa ng blog nya. Eto na ang panahon para sukatin ang inyong arrive. Tingnan natin kung sa aling kategorya kayo manonominate.
SAlinlahi at DAmbana – paghahanda ng mga posts atbp upang maging inspirasyon sa mga susunod na henerasyon. Isipin mong muli, kung malalaman ng iyong anak na nagwagi ka ng simpleng blog award, at magiging blogger man siya sa hinaharap, hindi ba’t ikaw pati ang iyong mga kaibigan ang kanyang magiging idolo’t dambana? Siyempre, chos lang ito.
At narito ang aking mga nominado para sa nasabing patimpalak:
Lifetime Achievement Award - from the dungeOn, Damuhan
• matatag sila
Best Blog Design - The Gasoline Dude™
• ang ganda naman talaga
Best English Blogger of the Year - Rainbow Box
• iba ang karisma ng english
Best Filipino Blogger of the Year - Inonimate ang sarili Kiko :(|)
• syempre
Photoblogger of the Year - Al Ain City Daily Photo
• aba sino pa ba?
R-18 Blogger of the Year - Kaharian ng AKONILANDIYA
• ikaw na pre
Pinaka-Bibong Blogger of the Year - Kaepalan ni Kiko
• katukayo eh
Pinaka-Teking Blogger of the Year - TARAGIS!
• daming matututunan
Pinaka-Gwapong Blogger of the Year - JaY RulEz
• wafu naman talaga
Pinakafashionistang Blogger of the Year - Traveliztera
• idol eh
Pinakagalanteng Blogger of the Year - The Gasoline Dude™, when she cries…
• naman palaman sila na
Most Active Blogger of the Year (Blog Category) - Kwatro Khanto
• kada check ng blog roll siguradong may update
Most Active Blogger of the Year (Facebook Category) - Kol me eMPi
• kada bukas ng notification siguradong may update
Good Luck sa atin!




