Isang araw may nag PM (private message) sa akin sa facebook, at nagtatanong kung saan daw ako kumukuha ng inspirasyon sa mga nagagawa kong mga tula ng pag-ibig, agad akong sumagot at ang palagi kong sinasabi ay ang mga awiting nakaka in-love kaya naman ako ay gumawa ng isang website para sa mga paborito kong Love Songs [dito] at syempre pa ang mga awitin ng Cinderella.
Ang Cinderella ay isang Filipino Soft Pop Band noong 1970's, ito ang panahon na lumalaki ako at palaging kinakanta ng aking ina, gaya ng mga awiting Bato sa Buhangin, Sa Aking Pag-iisa, Superstar ng Buhay Ko, T.L. Ako sa Sa'yo, Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib at Ang Pag-ibig Mo.
At kung binata at dalaga ka sa mga panahong ito, kilalang kilala mo ang kasikatan nina Cecile Colayco, Violy Estrellado at Yolly Samson, kasama sina Snaffu Rigor, Sunny Ilacad, Bob Guzman, Celso Llarina at Gig Ilacad.
Siguro nagtataka ka na ngayon kung mayroon nga ba akong nagawang mga tula mula sa kanilang mga kanta? Nandiyan po sa ibaba at sana ay magustuhan ninyo.
Bakit nga ba Cinderella?
Ang Cinderella ay isang Filipino Soft Pop Band noong 1970's, ito ang panahon na lumalaki ako at palaging kinakanta ng aking ina, gaya ng mga awiting Bato sa Buhangin, Sa Aking Pag-iisa, Superstar ng Buhay Ko, T.L. Ako sa Sa'yo, Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib at Ang Pag-ibig Mo.At kung binata at dalaga ka sa mga panahong ito, kilalang kilala mo ang kasikatan nina Cecile Colayco, Violy Estrellado at Yolly Samson, kasama sina Snaffu Rigor, Sunny Ilacad, Bob Guzman, Celso Llarina at Gig Ilacad.
Siguro nagtataka ka na ngayon kung mayroon nga ba akong nagawang mga tula mula sa kanilang mga kanta? Nandiyan po sa ibaba at sana ay magustuhan ninyo.
Bracelet - Tula
Hindi ko pinagsisihan na ika'y mahalin'Pagkat noon, ako'y minahal mo rin
Pagibig sa puso mo na aking naitanim
Sa mga tula ko'y patuloy kong didiligin […]
Kathang Isip sa Karagatan
Kailan ka ba darating?Tanong ng diwang may hinihiling,
Sa kawalan ay nakatitig ng mariin;
Bigyang pansin ang aking hiling […]
Hawak Kamay - Tula ng Pag-ibig
Ang mga susunod kong sasabihinHindi na pwedeng sa tula ay banggitin
'Pagkat ang makakabasa ay baka kiligin
Halika at umakap sa akin […]
Ka-IBIGan - Tula ng Pag-ibig
Pakiramdam ko'yNasa alapaap
Sa tuwing maririnig
Hagikhik mong sobrang sarap […]
Paramnesia - Tulang Nagbabalik
Kahit na ilang beses na nagdusaHindi pa rin mawawalan ng pag asa
Puso kahit na sa luha ay nabasÃ
Nagnanais na muling lumigaya […]
Ikaw at Ang Pag-Ibig Mo
Bakit nga ba tayo kapag umibig ng todoNakakalimutan kung sino talaga tayo
Kahit na sila sa iyo ay magbago
Dumaan ka man sa malakas na bagyo
Hanggang sa dungisan ang iyong pagkatao
Mananatili pa rin ang Ikaw at Ang Pag-ibig Mo […]
Oo na! oo na! hindi naman ako ang boypren mo, kaya hindi ako baduy, tsaka hindi naman sila ang nag compose nun, sina Vic Sotto at Joey De Leon ang Composer ng Ang Boyfriend Kong Baduy. Namiss ko lang si nanay, kase lagi nyang kinakanta ang Bato sa Buhangin sa akin bago matulog…
P.S. Click mo ang Title ng Kanta kung gusto mong i-download, click mo ang Title ng Tula para basahin nang buo salamat.
P.S. Click mo ang Title ng Kanta kung gusto mong i-download, click mo ang Title ng Tula para basahin nang buo salamat.
© December 2011 Mga Kathang isip at Kwento ni Kiko


