Kahit anong gawin kong pagpikit
Hindi ako makaidlip
Masamang balitang hatid
Luha ko'y nangingilid.
Ilang trahedya na nga ba?
Ang pinagdaanan ng ating bansa
Bakit kung kailan magpapasko pa
Saka maraming nagaganap na sakuna.
Tanong ko sa Maykapal
Kalakip ng aking dasal
Kalooban Mo ba?, aking inusal
Tinig ko’y nangangatal.
Lungkot at pagkabalisa
Punyal na tumarak kay Ina
Kalikasang sukdulang nagwala
Damay itong munting bata.

[click the image to view more]
Pag-ibig sa kalikasan
Binanggit na nang nakaraan
Marami na ang sinabihan
Parang nagbibingi bingihan lamang.
Trahedyang naganap sa Iligan City
Pati na rin sa Cagayan de Oro City
Kailan tayo magmumuni-muni
Sa mga sakunang nangyayari?
Dali-dali akong nagtindig
Aking lapis ay inihilig
Isusulat ang aking tinig
Kahit na ako’y nanginginig.
Sa lalim nitong hatinggabi
Pangyayaring hindi maikubli
Mga larawang pinagtagni tagni
Kasinghaba ng hawak kong sipi.
Ikulong mo ako sa iyong bisig
Ngayong ako’y nanginginig
Sa nararamdaman kong lamig
Takpan mo ang aking bibig.

[click the image to view more]
Sino ang dapat sisihin?
Kanino ipapaalam ang sumbong natin?
Mga tanong na hindi kayang sagutin
Mga bintang na walang mararating.
Ikaw na nagbabasa
Ano ang iyong nahihinuha?
Trahedyang dulot sa bata
Pangarap ng munti’y nasira.
Bangungot ng Bagyong Sendong
Tulang inaaalay sa mga taga doon
Doon sa Iligan at Cagayan
Na pinagmalupitan ng panahon.
Panahon nga ba ang may sala?
Parusa ba ito ni Bathala?
O ang taong makapal ang bulsa
Sa kalikasan ay nagpapasasa.
Ayan at antok ay nariyan na
Tatapusin ko na ang aking tula
Tulang binalangkas ng dusa
Pighati ng damdaming aba.
Bukas sa muling pagdilat ng mata
Pag-asang may matututunan sana
Ang bawat trahedyang tinamasa
Pilipino kailan mumulat ang mata?
Patuloy bang magbubulag bulagan?
Babaliwalain ang napapakinggan
Tulang ito’y hindi babasahin
‘Pagkat masakit sa damdamin.
At sa huling yugto ng aking sining
Ako ay may kaunting hinihiling
Pagtulong sa kapwa ay iparating
Maging sa ating panalangin.

Hindi ako makaidlip
Masamang balitang hatid
Luha ko'y nangingilid.
Ilang trahedya na nga ba?
Ang pinagdaanan ng ating bansa
Bakit kung kailan magpapasko pa
Saka maraming nagaganap na sakuna.
Tanong ko sa Maykapal
Kalakip ng aking dasal
Kalooban Mo ba?, aking inusal
Tinig ko’y nangangatal.
Lungkot at pagkabalisa
Punyal na tumarak kay Ina
Kalikasang sukdulang nagwala
Damay itong munting bata.

[click the image to view more]
Pag-ibig sa kalikasan
Binanggit na nang nakaraan
Marami na ang sinabihan
Parang nagbibingi bingihan lamang.
Trahedyang naganap sa Iligan City
Pati na rin sa Cagayan de Oro City
Kailan tayo magmumuni-muni
Sa mga sakunang nangyayari?
Dali-dali akong nagtindig
Aking lapis ay inihilig
Isusulat ang aking tinig
Kahit na ako’y nanginginig.
Sa lalim nitong hatinggabi
Pangyayaring hindi maikubli
Mga larawang pinagtagni tagni
Kasinghaba ng hawak kong sipi.
Ikulong mo ako sa iyong bisig
Ngayong ako’y nanginginig
Sa nararamdaman kong lamig
Takpan mo ang aking bibig.

[click the image to view more]
Sino ang dapat sisihin?
Kanino ipapaalam ang sumbong natin?
Mga tanong na hindi kayang sagutin
Mga bintang na walang mararating.
Ikaw na nagbabasa
Ano ang iyong nahihinuha?
Trahedyang dulot sa bata
Pangarap ng munti’y nasira.
Bangungot ng Bagyong Sendong
Tulang inaaalay sa mga taga doon
Doon sa Iligan at Cagayan
Na pinagmalupitan ng panahon.
Panahon nga ba ang may sala?
Parusa ba ito ni Bathala?
O ang taong makapal ang bulsa
Sa kalikasan ay nagpapasasa.
Ayan at antok ay nariyan na
Tatapusin ko na ang aking tula
Tulang binalangkas ng dusa
Pighati ng damdaming aba.
Bukas sa muling pagdilat ng mata
Pag-asang may matututunan sana
Ang bawat trahedyang tinamasa
Pilipino kailan mumulat ang mata?
Patuloy bang magbubulag bulagan?
Babaliwalain ang napapakinggan
Tulang ito’y hindi babasahin
‘Pagkat masakit sa damdamin.
At sa huling yugto ng aking sining
Ako ay may kaunting hinihiling
Pagtulong sa kapwa ay iparating
Maging sa ating panalangin.

© December 2011 www.kwentonikiko.com
New Update:
Google Sendong crisis map and person finder
helps separated Sendong victims reunite: http://t.co/xv0kYujc
OR CLICK THE IMAGE BELOW

New Update:
Google Sendong crisis map and person finder
helps separated Sendong victims reunite: http://t.co/xv0kYujc
OR CLICK THE IMAGE BELOW





