Kung noon ay may Dalawang Babae sa buhay ko tuwing sasapit ang pasko, ngayon tatlo na sila!
Ang bilis nga naman ng panahon, dati dalawa lang sila ng nanay ko at may bahay, ang kasama ko tuwing pasko, ngayon tatlo na.
Nakakalungkot mang isipin na huling pasko na pala ni +nanay noong nakaraang taon, dahil ngayong pasko ay hindi na namin siya makakapiling, oo alam ko naman ang iniisip mo, hindi ko rin naman makakapiling ang tatlong babaeng sinasabi ko dahil nasa Pilipinas sila, at mali ang iniisip mo, dalawa na kasi ang dalaga ko, si Louise Faye at si Eirene. Sabihin na nating makukuntento na naman ako sa pagbabasa ng kanilang Christmas Cards, text messages at usapan sa Skype, pero masaya ako dahil, kahit magkakalayo kami, ramdam kong buo ang aking pamilya, kahit na hindi ako makakakain ng spaghetti ni mama, ang makainom ng mainit na tsokolate ni ate, at ang pagkandong sa akin ni bunso, masaya na rin ako dahil ramdam ko kung gaano nila ako ka miss ngayong sasapit ang pasko.
Binabati ko ng Maligayang Kaarawan ang aking maybahay ngayong December 23, si +Nanay bukas December 24
Kakain na lang kami sa Mang Inasal ulit kahit sa picture lang :)

[with Leny and Jose Daniel at Mang Inasal]

[with Eirene at Mang Inasal]

[with Louise Faye at Mang Inasal]

[with Francis Conrad, Pedro Angelo and Louise Faye at Mang Inasal]
Photos were taken during my vacation last May 2011
© December 2011 Mga Kathang isip at Kwento ni Kiko