
sa likod ng sidhing katahimikan
paglilingkod ang iyong tanging dahilan
bukod sa taglay mong kaalaman
nangingibabaw ang mithiing tumulong kaninoman
saan mang dako mapadpad
kamay ng pagtulong ang palaging nakalahad
pag-ibig na sa puso bumubukal
boluntaryong paglilingkod na marangal
Medical at Dental Mission nga
ang sadyang pinupuntahan ng madla
upang magkaroon ng tamang kaalaman
sa kalusugan at pangangalaga
tulang ito ng paghanga
ay aking inaalay sa kanila
mga Doktor at mga Dentista
mga Nurse at mga kasama
na walang sawang kumakalinga
boluntaryong nakikiisa at nagkukusa
dalangin ko'y ibayong kalakasan
pisikal, emosyonal at espirituwal
patuloy na maging daluyan ng pagpapala
pagpapalang nagmumula sa KANYA.
Itong tula ay inaalay ko sa mga kasapi ng
Medical at Dental Mission dito sa Qatar
Wawakasan mo na ba ang pagtulong!? - Basahin Dito
Pasyente ka ba!? - Basahin Dito
© December 2011 www.kwentonikiko.com






7 kumento:
Good luck sa inyo Medical Mission sir Kiko.. God Bless always
goodluck sir sa medical mission.. i know magiging successful yan!!! GBU
masarap ang pakiramdam ng nakakatulong sa kapwa, noong dalaga pa ako nagbo-boluntaryo ako sa mga charity works, iba ang sigla at saya pag nakikita mong ngumingiti ang mga paslit na araw araw kumakalam ang tyan, walang hanggang pasasalamat iyong maririnig sa munting biyayang kanilang natanggap :) mga anak ko naman ngayon ang aktibo sa fund drives at charity work kasama ang tatay nila sa Rotary Club :)
yey mabuhay ang mga medical profs sa buong mundo!
ikaw na katukayo parang gusto ko atang sumama...
hii.. Nice Post
For latest stills videos visit ..
www.chicha.in
www.chicha.in
mabuhay ang mga doktor, nurse at dentista na nakibahagi sa medical mission niyo.. pagpalain kayo ng may kapal..
Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista
magliham sa akin dito