Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Minsan Isang Araw | Diary ni Lolo Francisco

Habang naglalakad ako sa may kahabaan ng pasilyo ay may nakasalubong akong isang lalaking may katamtamang taas, nanginginig sa lamig, suot ng kanyang makapal na damit, marahan siyang tumingin sa akin habang kami ay magkasalubong.

Teka pamilyar ang mukha niya sa akin.

Nakalampas na siya sa akin, kaya naman sinundan ko siya ng tingin, ipinikit ko ang aking mga mata, baka sakaling namamalik-mata lang ako, pero totoo ang nakita ko, siya nga iyon.

Habang papalayo siya ay iniisip ko pa rin na minsan kaming nagkausap sa isang lugar.

Ah alam ko na, hindi lang pala minsan kundi makailang beses kaming nagkausap ng lalaking ito.

Oo doon sa may tindahan ng mga isda sa bayan, sa Japan, kasama niya itong aking kaibigan, si Seiko Usui o mas kilala sa tawag na O-Sei-san, mga dalawang taon na ang nakakaraan.

Hindi naman ako masyadong bihasa sa pagsaulo ng mga pangalan ngunit kapag nakita ko na ang isang tao'y madali ko nang napapamilyar siya sa muli naming pagkikita.

Kagaya kanina.

Ahh nagkita nga ulit kami dati.

Bakit nga ba Cinderella?

Isang araw may nag PM (private message) sa akin sa facebook, at nagtatanong kung saan daw ako kumukuha ng inspirasyon sa mga nagagawa kong mga tula ng pag-ibig, agad akong sumagot at ang palagi kong sinasabi ay ang mga awiting nakaka in-love kaya naman ako ay gumawa ng isang website para sa mga paborito kong Love Songs [dito] at syempre pa ang mga awitin ng Cinderella.

Balagtasan sa Pagsilang ni Kristo - Kwento ng Pasko

Kayo ay aking inaanyayahang basahin ang aking inihandang Balagtasan sa Pagsilang ni Kristo, isang makapangyarihang Kwento ng Pasko sa anyong Balagtasan, paganahin natin ang ating imahenasyon, dalawang libong taon na ang nakakaraan.

Ang Panalo ko ay para sa iyo | Taba2011 sample ballot

Tama ang nabasa mo sa title, dahil kung papalarin akong manalo sa TABA2011 bilang Best in Filipino Blogger of the Year, ang mapapa- nalunan kong librong "Ang Pera na Hindi Bitin", (mura lang diba pero sayang din kung bibili ka pa, samantalang ibibigay ko na lang sa iyo). Oo nga, totoo nga.

Pero bago yan, magpapasalamat muna ako sa mga nagnominate sa akin dito, at napili akong finalist dito. Salamat din sa mga nakaboto na sa akin. Naubos na kasi ang mga botante ko na halos lahat ay mga fans.

Paano sumali at mabigyan ng Libro? Simple lang naman.

Tatlong babae sa buhay ko ngayong Pasko

Kung noon ay may Dalawang Babae sa buhay ko tuwing sasapit ang pasko, ngayon tatlo na sila!

Ang bilis nga naman ng panahon, dati dalawa lang sila ng nanay ko at may bahay, ang kasama ko tuwing pasko, ngayon tatlo na.

Bangungot ng Bagyong Sendong sa Iligan City at Cagayan de Oro City

Kahit anong gawin kong pagpikit
Hindi ako makaidlip
Masamang balitang hatid
Luha ko'y nangingilid.

Ilang trahedya na nga ba?
Ang pinagdaanan ng ating bansa
Bakit kung kailan magpapasko pa
Saka maraming nagaganap na sakuna.

The Annual Kalsada Blog Awards (TABA) 2011 Kiko's Nominees


The Annual Kalsada Blog Awards or TABA sa pangunguna ng kaibigang blogger na si Zyra. Ano at bakit nga ba TABA? Ayon sa official blogpost:

The Annual (KALSADA) Blog Awards. Trip lang ‘to na medyo seryoso. Seryoso kasi may premyo. Ang premyo: badge, “Ang Pera na Hindi Bitin” book at bragging rights. Nagsimula ito nang manalo ako ng Kalabasa Award noong SBA 2010. Bilang ganti, naisipan kong kilalanin ang mga BLOGGER na karapatdapat tumanggap at umani ng ating masigabong palakpakan. Kumbaga sa pag-aaral – ito na ang RECOGNITION DAY.

Bakit Kalsada?
Dahil sa kalsada ka nag-aabang ng masasakyan. Pinipili mo ng todo ang aangkasan mong makina.
Bus. Van. Jeep. Jeep na stainless. Jeep na puro stain. Taxi. Dilaw. Puti.
Ikaw ang pumipili — ayon sa kung ano ang tingin mo ay maganda.

KArangalan – pagkilala sa mahuhusay na KAtropa at KAibigang blogger. Walang judges na bigatin. Blogger’s at Reader’s Choice lahat ng award.

Lakas — ng dating ng isang blogger. Mas masaya ang blogger kung maraming nagbabasa ng blog nya. Eto na ang panahon para sukatin ang inyong arrive. Tingnan natin kung sa aling kategorya kayo manonominate.

SAlinlahi at DAmbana – paghahanda ng mga posts atbp upang maging inspirasyon sa mga susunod na henerasyon. Isipin mong muli, kung malalaman ng iyong anak na nagwagi ka ng simpleng blog award, at magiging blogger man siya sa hinaharap, hindi ba’t ikaw pati ang iyong mga kaibigan ang kanyang magiging idolo’t dambana? Siyempre, chos lang ito.

At narito ang aking mga nominado para sa nasabing patimpalak:

Bawal Magdiwang ng Pasko, Ang X sa X'mas

Sampung Minuto bago mag Pasko - Station ID

Aw aw aw, malakas na kahol ni Douglas habang papalapit sa paanan ni tatay, tila malungkot din ang pakiramdam niya dahil sa katamlayan ni tatay, bakit nga ba matamlay si tatay??

Tula para sa Paghanga - Medical and Dental Mission sa DOHA

Caduceus

sa likod ng sidhing katahimikan
paglilingkod ang iyong tanging dahilan
bukod sa taglay mong kaalaman
nangingibabaw ang mithiing tumulong kaninoman

Suportado ang Iniidolo - Libre Lang Mangarap - Otep

Ang Mga Kathang Isip at Kwento ni Kiko ay sumusuporta at bumoboto kay Otep ng Libre Lang Mangarap para sa 2011 Philippine Blog Awards Bloggers’ Choice.

Sulyap sa Lumipas: Kapayapaan - Maikling Kwento ng Buhay

Bakit ganon? Bakit ang gulo-gulo ng isip ko? Bakit puro palpak ang mga nangyayari? tanong ko sa sarili ko habang naglalakad sa kahabaan ng Niog Road sa Bacoor Cavite...