Habang ang iba ay nagdiriwang ng anibersaryo ng EDSA Revolution, ang www.kwentonikiko.com ay nagdiriwang naman ng ika dalawampu't limang buwang anibersaryo sa blogosphere.
Nais kong bigyan kayo ng kakaibang kaalaman ngayon sa pamamagitan ng paglalahad ng dalawampu't limang mga kabaliktarang wika ng Filipino.
Sa wikang Filipino, mayroong mga salitang kapag binaliktad ay nagkakaroon ng ibang ibig sabihin, at mayroon namang kahit baliktarin ay iisa parin ito.
Halimbawa ng mga Salitang Binaliktad ang Pantig (?).
• bata - taba (ba/ta - ta/ba) (bata - child, taba - Fat)
• pili - lipi (pi/li - li/pi) (pili - choice, lipi - tribe)
• laga - gala (la/ga - ga/la) (laga - stew, gala - wander)
• lima - mali (li/ma - ma/li) (lima - five, mali - wrong)
• baha - haba (ba/ha - ha/ba) (baha - flood, haba - lenght)
• mutya - yamut (mut/ya - ya/mut) (mutya - pearl, yamut - irritable)
• pasa - sapa (pa/sa - sa/pa) (pasa - assist[basketball term], sapa - creek)
• pata - tapa (pa/ta - ta/pa) (pata - leg of animal, tapa - dried meat)
• gatong - tongga (ga/tong - tong/ga) (gatong - firewood, tongga - drink)
• apa - paa (a/pa - pa/a) (apa - wafer, paa - feet)
• likha - halik (lik/ha - ha/lik) (likha - creation, halik - kiss)
Halimbawa ng mga Salitang kapag binaliktad ay nag-iiba din ang pantig.
• abot - bota (a/bot - bo/ta) (abot - reach, bota - boots)
• aklat - latak (ak/lat - la/tak) (aklat - book, latak - residue)
• akay - kaya (a/kay - ka/ya) (akay - guiding by hand, kaya - capable)
• akin - kina (a/kin - ki/na) (akin - mine, kina - from)
• ahas - hasa (a/has - ha/sa) (ahas - snake, hasa - sharp)
Halimbawa ng mga Salitang kapag binaliktad ay iisa pa rin ang ibig sabihin.
• talata (ta/la/ta) (talata - paragraph)
• bibi (bi/bi) (bibi - duck)
• bobo (bo/bo) (bobo - stupid)
• padpad (pad/pad) (padpad - castaway)
• pipi (pi/pi) (pipi - mute)
• payapa (pa/ya/pa) (payapa - peaceful)
• banaba (ba/na/ba) (banaba - deciduous timber tree)
Halimbawa ng mga Salitang kapag binaliktad mo ang pagkakaayos ng letra ay parehas pa rin ang ibig sabihin.
• aba - aba (a-b-a) (aba - poor)
• asa - asa (a-s-a) (asa - hope)
Ang Pantig o syllable ay bahagi ng pagkakasunod-sunod ng tunog ng pananalita. Sa wikang Filipino, ito ay mayroong siyam na uri ng pantig
P - (patinig), halimbawa: a-so
KP -(katinig-patinig), halimbawa: ba-ta
PK -(patinig-katinig), halimbawa: es-trang-he-ro
KPK -(katinig-patinig-katinig), halimbawa: bun-dok
KKP -(katinig-katinig-patinig), halimbawa: pro-tes-ta
KKPK -(katinig-katinig-patinig-katinig), halimbawa: plan-tsa
KKPKK -(katinig-katinig-patinig-katinig-katinig), halimbawa: tsart
KPKK -(katinig-patinig-katinig-katinig), halimbawa: nars
Ang Patinig o vowels ay Aa Ee Ii Oo Uu at ang Katinig naman o consonants ay Bb, Cc, Dd, Ff, Gg, Hh, Jj, Kk, Ll,Mm, Nn, Ññ, NGng, Pp, Qq, Rr, Ss, Tt, Vv, Ww, Xx, Yy at Zz
↑ bumalik sa itaas
Sa ika-dalawampu't limang buwan ng Mga Kathang Isip ni Kiko…
Mayroon pong mga pagbabago sa aking site:
Home | About Page | Contact Page | Featured Page | Published Page
Mayroon din po akong mga ginagawang Header (sana matapos ngayong weekend)
para sa www.damuhan.com
para sa bucosalad.blogspot.com
para sa www.akonilandiya.com
at mga nagawang Header noong mga nakalipas na buwan
para sa Pinoy Expat/OFW Blog Awards 2011

para sa Ask Pinoy Bloggers

para sa mommyrazzz.blogspot.com

© February 2012 www.kwentonikiko.com






6 kumento:
Wow! A Filipino lesson! :)
http://www.dekaphobe.com/
wow pwede ng puntahan ng mga batang may assignment sa filipino tong blog mo. =D
ayus yun ah.. hehehe kahit kasi ako di ko alam yung iba dyan hehhee
happy 25th monthsary po!
Thank you for this excellent & thoughtful post, so full of ideas that I have printed it out so i can read again
Lakhani Lawn Collection
natuwa naman ako sa post mo sir, well-researched :)
Hindi kita nakakalimutan! Nasa Blog Roll kita dito - mga kapwa blogista
magliham sa akin dito