Hanapin sa Mga Kathang Isip Ni Kiko


Dalawampu't Limang Kabaliktaran

Sino nga ba si BABYLUV?

Ang Pagtatapos - Basta't Kasama Kita


Kumusta ang sales mo? tanong niya sa akin.

Ok naman, eto 2 St. Bernadette na naman at puro Seaman ang asawa, pagyayabang ko.

Hmmp, kaya pala ang tagal tagal mo sa bahay nung isa kanina dahil wala ang asawa, ikaw talaga, asar na wika niya.

Ikaw naman, selos ka agad, kasama sa sales talk 'yun, pagtatanggol ko.

Ikaw, may sales ka rin ba? tanong ko.

St. Claire lang iisa pa, pero nagbigay naman siya ng downpayment, malungkot na wika niya.

Ok lang 'yan kaysa naman sa bokya, eh kung araw-araw kang may St. Claire eh bigatin ka na, pagpapaliwanag ko.

Ano tara balik na tayo sa office para mag remit? aya ko.

Sige para makauwi tayo ng maaga, maglalaba pa ako ng uniform ko, sang-ayon na tugon niya.

Parehas kaming Sales Executive ng isang kilalang memorial plan sa kahabaan ng Quezon Avenue, ngunit ang pinaka-opisina namin ay nasa kanto ng Mayon at A. Bonifacio Ave., malapit sa North Cemetery.

Kakaiba na ang tinginan namin, magkahawak kamay na kaming tumatawid sa kalsada, PDA (public display of affection) daw sabi ng ilan, pero sabi ko, inaalalayan ko lang naman pati sa pagsakay sa jeep, I'm just being gentleman, lahat kaya ng babae sa office eh ganun ang ginagawa ko, kaso nga lang minsan nakakadala rin, minsan ang ganda ganda nga ng kamay, malansa naman. Kumain ng paksiw, nagkamay hindi man lang nagsabon, syempre kapag nasa area kami, gentleman ako kunwari kaya lahat ng girls inaalalayan ko.

Ang galing mo naman sabi ni Ms. Delfin, sa akin, Director namin sa office, paano mo nakuha ang 2 St. Bernadette sa kalahating araw? tanong niya sa akin.

Ganito po ma'am, kapag...
Teka, teka, bukas sa meeting natin tatawagin kita ha at ipaliwanag mo sa mga sales person, putol niya.

Ok po, tutuloy na po kami, paalam ko.

Teka Mr. St Bernadette, mukhang may napapansin akong namamagitan sa inyo ni Ms. St. Claire ha? Alalahanin mo bawal dito sa office ng ganyan.

Opo ma'am, sabi ko.

No Courting of Associates. Baka kapag marami na kayong sales, kainggitan kayo at kasuhan kayo, paalala ni Ms. Delfin.

Bago po mangyari 'yun, magreresign na po kami, pagmamalaki ko.

Maling sagot 'yan, sabi niya, sa hirap ng buhay ngayon, hindi magandang isaalang-alang ang trabaho at career sa pag-ibig, wika niya.

Yes, ma'am, can I go now, naiiritang paalam ko.

Kaya pala, naabot mo ang posisyon mong Director pero hanggang ngayon matandang dalaga ka pa rin, naibulong ko sa sarili ko habang papalayo. Hmmmp.

Kanina pa pala siya nag-aantay sa akin sa ibaba ng building.

Sorry, ha, sabi ko, medyo napatagal ang usapan eh.

Baka naman pati si ma'am eh maalok mo ng St. Bernadette nyan, nakaismid niyang sagot.

Ito, pati si ma'am pagseselosan, tara na nga, ihahatid na kita.




Kinabukasan…

Good Morning everyone, I would like to give you Mr. St. Bernadette and he will give you some insights on how to get sales like what he did, bungad ni Ms. Delfin.

Good Morning…


Ah ganun pala, sabi nila at nagpalakpakan, kitang kita ko ang ningning ng kanyang mata habang pinapakinggan ang paliwanag ko, iba pala ang feeling kapag inspired ka, at syempre in-love, nandoon na nasa momentum ka at kailangang magpasikat, para kahit papaano ay maipagmalaki ka ng "Girlfriend-Officemate" mo.

Nagtuloy ang sales meeting namin at kagaya ng dati, may boring part na nakakaantok, at ito naman ang time ko para gisingin siya.


"Meet me at the cafeteria later after the meeting"

Medyo madali lang ang pagkakasulat ko, tinupi ang papel at iniabot ko kay Jake. Abot mo kay Lorna, kamo iaabot niya sa katabi niya, sabi ko

Makulit talaga ako, kaya active parin ang mga kapwa ko salesman kasi lingunan sila kung kanino ko binigay ang isang maliit na pirasong papel na tinupi at sinulatan.

Maya-maya may tumapik sa likod ko, sabay lingon.

Aba may maliit na papel din, syempre excited kong binuksan.

"Sure see you later ♥"

Ahaha kinilig naman ako, kasi may heart shape pa ang sulat niya, wala na ang focus ko sa meeting, nakailang palitan din kami ng maliliit na papel hanggang sa magkita kami sa cefeteria ng opisina.

Ikaw talaga ang corny mo, pang-aasar nya, may pa small-small note ka pang nalalaman.

Corny na kung corny, pero diba, kahit papaano nakapag-usap tayo sa meeting at hindi naging boring, malay mo balang araw may maka imbento ng short messaging system at kahit malayo eh makakapag-usap ang mga tao diba? tanong ko.

Luma na 'yang idea mo noh, may beeper na kaya, pang aasar niya.

Hello, eh ang beeper kaya kailangan mo pang tumawag sa center nila para i relay ang message at pano kung private message 'yun aber? Eh di malalaman nung center agent ung private message mo, wait ka lang by year 2000 meron nang imbento n'yan for sure, paliwanag ko.

Oh saan na tayo? tanong niya.

Pupunta tayo sa CCP, mag bike tayo tapos kain tayo doon ng inihaw na mais at pusit, aya ko.


Wow sarap naman noon papa, ano pa ang sumunod na nangyari? tanong ng anak kong babae.

Tapos noon nagpunta kami sa bahay at ipinakilala ko siya sa lolo at lola ninyo, tapos makalipas ang dalawang taon ay nagpakasal na kami, sagot ko.

Ay bakit bumilis papa!? kwento ka pa, pangungulit ng bunso kong anak.

Naku gabi na, tulog na tayo, bukas naman magku kwento ako ng adventure naman, paliwanag ko.

Dapat papa medyo sci-fi dapat, sagot ng panganay kong anak.

Oo kakaiba ito, medyo futuristic ang dating, pagmamayabang ko.

Ok goodnight na ha.

Teka papa ano po 'yung St Bernadette at St. Claire, tanong ulit.

Ang St. Bernadette ay pangalan ng Memorial Plan, medyo mahal ito kasi ang casket ay double lip cap, ang St. Claire naman ay medyo mahal din ang Memorial Plan.

Ahh kabaong pala un papa, hahaha tawanan ng mga bata.

Matulog na at babalik pa ako sa mama ninyo.

Goodnight papa, sabi ng mga bata.

Hay, salamat at nakatulog na rin sila at makakabalik na ako ng Hospital para bantayan naman ang bagong panganak kong asawa.

Nanay, aalis na ako, tulog na ang mga apo ninyo, babalik na ako ng ospital.


Sa Hospital…

Haysss, na miss ko rin ang asawa ko sa maghapon.

Ayun tamang tama nakatalikod siya, susorpresahin ko.

Dahan dahan kong nilapitan siya at kinuha ang makinis niyang kamay, at unti unti kong nilapit ang aking mukha sa likuran ng kanyang taenga.

Hoy Francisco, ako ang asawa mo!, sigaw niya.

Nagulat ako sabay lingon sa kanan.

Ikaw talaga, apat na ang anak mo pilyo ka pa rin, sabi niya.

Ikaw naman kasi, hindi mo ako tinawag nung dumating ako, malay ko bang nilipat ka ng kama.

Wakas
October 19, 2003


Basta't Kasama Kita - Maikling Kwento ng Pag-Ibig

Saan tayo pupunta!? tanong niya.

Basta sumama ka sa akin, may sasabihin akong importante, at gusto kitang isama sa mga lugar na importante sa akin, paliwanag ko.

Ok, tugon niya.

Sakay ng jeep ay magkahawak kami ng kamay habang magkatabing nakaupo, hindi ko rin talaga alam ang talagang sitwasyon namin, mu (mutual understanding) kung baga.

Mama bayad po, dalawa, sa may Blumentritt, inabot ko ang bayad namin.

Anong gagawin natin sa Blumentritt? tanong niya.

Bastaaaa, sabi ko.

Tatlong Araw bago ang Valentine’s Day

Isang gabi habang nagtatapos ng trabaho si Marlon ay may naramdaman siyang kakaibang lamig. Pakiramdam niya ay may ibang tao sa paligid. Bigla niyang naisip na baka may nagbibiro sa kanya sapagkat siya na lang ang natitira sa opisinang nag-oovertime. Huminto siya sa pagtipa ng kanyang keyboard at tumayo, inikot niya ang paligid ng kanilang opisina upang tingnan kung may tao nga, ngunit wala talaga siyang nakita.

Nagbalik siya sa kanyang upuan at patuloy na nagtrabaho, binalewala niya ang naramdaman ngunit bigla na lang namatay ang monitor ng kanyang computer. Dito na tumayo ang kanyang balahibo, dali-dali niyang pinatay ang computer at nagmadaling lumabas ng opisina.

Ang Buhay at ang Pag-ibig

Minsan ang buhay ay parang isang taong naglalakad sa dalampasigan, nabibilad ang balat sa init ng araw at nakakaramdam ng init mula sa talampakan, sa haba nitong kanyang nilalakad, tila walang patutunguhan, tanging ang nagsisilbing gabay ay ang karagatan, karagatang nagluwal sa kanya mula sa kawalan, hindi alam kung saang dako ang pinagmulan.